Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Machines at giant video screen ng Snow World, ‘di nasunog

IYONG Snow World sa loob ng Star City ang sinasabing pinakasikat na attraction sa nasunog na theme park. Iyon naman kasi ang kauna-unahang nagdala ng snow sa Pilipinas. Totoo ring nangyayari na may mga taong nagbabayad na lang ng entrance, hindi na nagra-rides at pumapasok na lang sa Snow World kung iyon lang naman talaga ang gusto nilang makita.

Siguro iyong popularidad na iyon ng Snow World kaya basta nabanggit ang Star City, Snow World din agad ang sinasabi ng mga tao.

Natawa po kami roon sa mga nabalitang sa Snow World nagsimula ang sunog na tumupok sa Star City. Iyon pong sunog ay nagsimula sa stock room ng isang tenant, iyong Star Games. Mabilis na lumaki ang apoy, dahil nasa stock room ang mga bulak na ginagamit na pampalaman sa stuffed toys na kanilang binubuo roon mismo. Hindi rin po totoo na maraming pinagmulan ang sunog, kasi magkakadikit iyong mga nasunog agad, kumalat lang nang mabilis dahil ang mga decor diyan, karamihan ay gawa sa fibreglass. Iyong Snow World, medyo huli nang nadamay eh. Nainitan lang pero iyong mga machines nila buo lahat. Iyong kanilang giant video screen buo rin eh. Siyempre tunaw lahat ng ice sculptures, na inaasahan naman sa ganoong init.

Pero siguro nga dahil halos synonymous iyong Star City at Snow World, nagkaroon ng kaunting confusion. Iyon ding power house at bodega ng Star City, na siyang katabi ng Snow World, inabot lang ng bahagya. Kung sinasabi ng ilan na nanggaling iyong sunog sa Snow World sa panahong wala pang opisyal na imbestigasyon, hindi namin alam.

Minsan nagkakamali rin ang mga report eh, pero walang may kasalanan noon. Nangyayari talaga iyan sa panahon na nagmamadaling makuha ang detalye ng isang balita.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …