Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sept. 21, tinawag na bad day ni Ate Vi

TINAWAG ni Ate Vi (Vilma Santos) na “bad day” iyong September 21 ng taong ito, matapos niyang marinig nang sunod-sunod na namatay, si Isah Red at si direk Mel Chionglo. Nauna roon, naibalita rin sa kanya na namatay ang isang opisyal ng Department of Health, si Dr. Lyndon Lee Suy na kakilala rin niya.

Si direk Mel alam ko may sakit iyan sa puso, pero si Isah ba may sakit din sa puso,” pagtatanong pa ni Ate Vi. Hindi rin kasi siya makapaniwala sa mukhang napakaagang pagkamatay ng entertainment editor. Si Isah ang kauna-unahang presidente ng SPEEd, noong panahong iyon din nila sinimulan ang The Eddys at si Ate Vi ang kanilang unang-unang best actress awardee para sa pelikulang Everything About Her.

Sabi nga ni Ate Vi, basta ang isang tao nagkaka-edad na, hindi mo na alam talaga kung ano ang mangyayari.

Siyempre nga naman hindi na ganoon kalakas ang katawan mo. Kaya iyang si Ate Vi, ingat na ingat din lalo na sa kinakain niya.

Noon alam mo naman sa shooting, kung ano nandiyan kainin mo. Kung hindi naman magpapabili ka na lang ng kung ano ang madaling mabili. Pero ngayon ingat na rin ako sa ganyan, kasi natural lang naman iyong kailangang mag-ingat na tayo, at saka hindi rin tama iyong masyadong nagpapagod,” sabi pa ni Ate Vi.

Na siyempre ang katapusan ay iyong pangangaral ni Ate Vi, “kaya ikaw din mag-ingat ka. Hindi ka na bata. Iyong mga ginagawa ninyo noong araw na pagpupuyat at kain ng kung ano-ano tama na. Mahirap na ang magkasakit ngayon, at masyadong marami nang sakit na kumakalat.

Dapat kasi matuto tayong lahat na mag-ingat,” sabi pa ni Congresswoman Vi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …