Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtatapos ng Los Bastardos, pinanghihinayangan

MARAMI ang nanghihi­-nayang da­hil matapos ang isang taon, matatapos na pala ang serye na nagtala ng pinakamataas na ratings sa afternoon slot, iyong Los Bastardos. Noong nagsimula iyang seryeng iyan, talagang mapapansin mo na ang gusto nilang mangyari ay ma-build up ang kanilang mga male talent na halos lahat ay baguhan pa noon.

Nangyari naman iyon. Lahat sila ay napansin at nito ngang bandang huli nabigyan pa ng pagkakataong maging bida si Marco Gumabao. Kung hindi rin naman siguro sa magandang exposure na nakuha niya sa Los Bastardos, hindi siya magkakaroon ng ganoong following, at hindi siya mabibigyan ng ganoong break kung sakali.

Wala pa silang sinasabi kung ano ang makakapalit niyang Los Bastardos sa pagtatapos ng serye, pero ano man ang ipalit nila riyan, matinding hamon ang haharapin. Kaya ba nilang pantayan ang following ng serye na kanilang papalitan?

May mga nagsasabi nga, ang dapat sanang naisipan nila nang matapos na ang kuwento, ay gumawa sila ulit ng serye na mapagsasama pa rin ang dating cast. Siguro maiiba nga lang ng kaunti ang treatment dahil may mga naging star naman, mayroon namang hindi rin gumalaw ang career. Pero kung iisipin mo, sure ball nga naman iyon. Pero ewan, baka naman may ibang idea si direk Ruel Bayani na ipapalit niya. Baka naman may mas exciting pa. Baka mas malaki pa ang casting.

Sa ngayon, puro hula lamang kung ano ang ipapalit sa serye. Mahirap palitan ang ganyang serye eh, kasi naging paborito ng masa, at laging magiging problema ng kasunod na mapantayan kahit na paano ang mataas na ratings na inabot nila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …