“NAKALABINDALAWANG pelikula na akong nagawa,” sabi ng director na si Anthony Hernandez.
Kahit na baguhan lang, makikita mo naman ang kanyang kakayahan sa pelikula niyang Marineros. Sa totoo lang, nagulat din kami sa pelikula. Hindi namin inaasahang ganoon ang kalalabasan ng pelikulang iyan. Matino ang pelikula. Isa iyan sa mga pelikulang natapos naming panoorin. Kasi naging ugali na namin na basta nainip na kami sa sine, lumalabas na kami eh. Hindi na namin tinatapos.
Pero iyang Marineros, hindi lang si Michael de Mesa ang magaling. Napakilos ng director maski na ang mga baguhang artista. Minsan nga lang may mga eksena siyang humahaba na maaari namang mai-edit, pero as it is, mahusay na ang pelikula.
Noong premiere night nga nila, napuno nila ang tatlong sinehang magkakatabi.
HATAWAN
ni Ed de Leon