Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P4.1-T 2020 national budget aprub ngayon

AAPROBHAN ng Ka­ma­­­ra ang panukalang P4.1 trillion national budget para sa 2020 nga­yong araw, Biyernes, imbes sa unang Linggo ng Oktubre.

Ang maagang pagpa­sa ng budget ay bunsod sa sertipikasyong “urgent bill” ng Malacañang.

Ayon kay House committee on appro­priation chairman Isidro Ungab ng Davao City, mapadadali ang pagpasa sa budget dahil “urgent bill” na ito.

“Given the said certification, the P4.1 trillion budget for 2020 may be passed on the same day without waiting for separate days to have it approved on 2nd and 3rd readings. Thus, it is possible that the GAB will be passed this Friday, since it was already certified as urgent,” ani Ungab.

Aniya, ayaw ng liderato ng Kamara na maulit ang nangyari noong nakaraang taon na na-delay ang pag-aprub sa budget dahil sa “insertions” ng pork barrel.

Nanindigan si House Speaker Allan Peter Cayetano na walang pork barrel sa 2020 budget.

Ang porl barrel ay isang lump sum na budget na ibinibigay sa bawat miyembro ng Kamara ngunit ipinag­bawal ito ng Korte Suprema.

Noong mga naka­raang Kongreso bawat isang kongresista ay binibigyan ng P70 mil­yones para sa mga proyekto sa kanilang mga distrito.

Sila ang nagsasabi kung saan at paano gagastusin ang pondo pagkatapos pirmahan ng pangulo ang pambansang budget.

Ayon sa Korte Supreme, hindi pupu­wedeng pakialaman ng kongresista ang budget pagkatapos itong maging batas.

“Yung “No Pork, No Parking, No Delay” ‘yan ang mantra namin,” ani Cayetano.

Taliwas sa sinabi ni Cayetano, sinabi ni House ways and means committee chairman Joey Salceda, binigyan ng tig-P100 million ang bawat kongresista para sa mga proyekto nila.

P70-milyones para sa impraestruktura kagaya ng mga kalsada at P30-milyones para sa mga tinatawag ng “soft projects” kagaya ng “medical assistance” para sa mga botante nito.

Sa panig ni House deputy Speaker Raneo Abu, kailangan nang maipasa ang budget dahil dito nakasalalay ang pag-unlad ng bansa.

“The passage of the 2020 national budget is our commitment to the President and the public to make the life of Filipinos comfortable. Definitely, this will uplift the living condition of poor Filipinos in all parts of the country. This will also ensure the country’s high and sustainable economic growth per­formance,” ani Abu.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …