Sunday , December 22 2024

Extra mile to beat terrorist groups

IBAYONG mga hakbang para masugpo ang grupong banta sa kaligtasan ng mga mamamayan. ‘Yan ang order ni AFP Chief General Benjamin Ma­drigal Jr., sa lahat ng military units ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa ginanap na 2nd Quarter Command Conference sa Camp Aguinaldo.

Pinaalalahanan niya ang AFP major services, unified commands, AFP-wide service support units at iba pang major ground units ng Army, Air Force at Navy na kalasin ang pundasyon ng mga teroristang rebelde at patuloy na palakasin ang mga programa at inisyatibo laban sa mga banta sa pambansang kaligtasan,

Nitong mga nakaraang buwan ng taong kasalukuyan, maraming misyon ng AFP ang natatakan ng Mission Accomplished laban sa communist terrorist groups o CTGs.

Hayaan ninyo na bigyan ko kayo ng ilang impormayon tungkol sa mga naging tagumpay natin para sa kapayapaan.

Simula ng 2019, ang AFP ay nakapag-neutralize ng mahigit 6,000 communist terrorists kasama ang mga tagasuporta nila. Sa bilang na ito, 95 miyembro ng NPA ang napatay sa mga enkuwentro. Mayroon 145 ang nahuli ng mga awtoridad at 5,788 ang sumuko sa tulong ng mga lokal na pamahalaan. Pagdating sa armas, may 945 high and low powered firearms ang nasamsam mula sa armadong grupo.

Isama pa natin dito ang tuloy-tuloy na pagpapalakas ng mga mekanismo ng AFP lalo sa Mindanao para mabuwag ang grupo ng mga Abu Sayyaf. Tamang pangongolekta ng intel reports at aktibong koordinasyon ng lokal na pamahalaan at mamamayan ang magiging sandata para mapagtagumpayan ang misyon na ito. Lalo pa ngayon at lumalakas ang community support programs na pangunahing estratehiya ng mga sundalo upang makalas ang structure ng CTGs.

Nararamdaman natin na tuloy-tuloy ang solidong pagsubaybay ng mga sundalo at ng pama­halaan para matugunan ang mga isyung pangkapayapaan.

Ngunit sa kabila ng mga tagumpay na ito, marami pa rin tayong trabaho. Oo, tayo. Tayong lahat ay kabahagi rito. Ang  lokal na pamahalaan at hanay ng mga sundalo ang mangunguna sa atin pero sa laban na ito, may malaki tayong gam­panin at responsibilidad. At ang responsibilidad na ito ay dapat pagtuunan ng pansin dahil tayong mga Filipino rin ang direktang apektado ng mga problemang ito.

Kung ako po ang inyong tatanungin, totoo na abot kamay na natin ang kapayapaan na inaasam natin. Ang kailangan lang natin gawin ay palakasin pa ang pwersa natin nang may buong pagkakaisa at kompiyansa na malalagpasan natin ang mga isyung ito.

‘Wag natin iatang lang sa pamahalaan ang responsibilidad nating mga mamamayan. Kung mare-realize lang natin na ang bansang Filipinas ay lubos na sagana sa yaman, lubos tayong magpupursigi na mapagyabong ang nasabing kayamanan pero sa tingin ko, balewala ang lahat ng yaman kung hindi natin maka­kamit ang kapa­yapaan.

Kitang-kita na­tin na ang gobyer­no ay handang tugunan ang pro­blema nating mga mamamayan. Kaliwa’t kanang paghakbang at atensiyon para tayo ay matu­lungan. Patuloy na nagtatrabaho ang pamahalaan para sa atin, pero tayo, ano kaya ang kontribusyon natin para sa kapwa at bayan natin?

PALABAN
ni Gerry Zamudio

About Gerry Zamudio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *