Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utos ni Digong sa AFP: Gera vs NPA, komunista all-out na

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out war laban sa rebeldeng grupong New People’s army (NPA).

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa Palasyo, sina­bi niyang walang humpay na pag-atake sa NPA ang utos niya sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi niya na hindi na tatanggap ang go­byerno ng rebel returnee.

Minaliit din niya ang NPA dahil iilang komu­nista na lamang ang mayroong ideolohiya at pawang matatanda na.

Pursigido si Pangu­long Duterte na pulbusin ang komunistang grupo sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Nangangamba si Pangulong Duterte na hindi masosolusyonan ng susunod na presidente ng bansa ang problema sa komunismo.

Bukod sa NPA, mala­king problema rin sa pangulo ang ISIS.

Ayon sa Pangulo, pinagpapawisan ang kanyang kamay kapag naiisip ang ISIS dahil hindi madaling solu­syonan ito.

Ayon kay Duterte, “Itong ISIS is something that I am really scared. Nagpapawis ang kamay ko ‘pag iniisip ko ‘yang — no it’s a worldwide… Forget Abu Sayyaf, forget about the Maute. Anong kalaban natin diyan is the terrorists, the ISIS-connected… At hindi ito madadala. This is a mass insanity that cannot be cured just as — it’s just like an epidemic. Dadaan ‘yan and after that it simmzers down then there’s a cycle again.”

Ayon sa Pangulo, kapag hindi naresolba ang problema sa ISIS po­si­bleng maulit ang naganap na pambobomba sa Sulu at sa ibang parte ng bansa gaya ng Davao at Zam­boanga.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …