PARA kang namasyal sa Europa sa bagong attraction ng Snow World sa Star City. Makikita mo ang napakataas na Eiffel Tower na ginawa noong 1889 para sa World Trade Fair sa Paris, pero ito ngayon ay yari sa yelo.
Naroroon din ang makasaysayang Arc de Triomphe. Ang napakalaking Colosseum ng Roma, ang leaning Tower of Pisa, iyan at iba pang mga makasaysayang mga pook ang makikita sa pagbubukas ng panibagong season ng Snow World sa taong ito.
Maaari pa rin kayong magpadulas sa pinakamalaking ice slide sa buong mundo na gawa ng tao. Maaari ring uminom ng mainit na kape habang ang inyong mga kasama ay naglalaro sa snow. May Snow World Café na matatagpuan sa loob mismo ng Snow World. Kagaya rin ng mga Café na matatapuan sa Champs Elysee kung kayo ay mamamasyal sa Paris. Tila isang paglalakbay sa buong Europa ang inyong pamamasyal sa Snow World.
Bukas na ang Snow World araw-araw simula Setyembre 14, mula 4:00 p.m. kung karaniwang araw, at mula 2:00 p.m. kung Biyernes hanggang Linggo.
Ang Snow World Manila ang tanging lugar na maaari ninyong maranasan ang panahon ng taglamig araw-araw sa buong isang taon.