Monday , December 23 2024

Sa pinalayang heinous crimes convicts… Palit-ulo sa BuCor officials

KAPALIT ng mga pinalayang con­victs ay mga opisyal na nagpalaya sa kanila.

Ito ang lumabas sa pagdinig kahapon sa Kamara patungkol sa isyung muntik nang ma­pa­laya ang dating Ca­lauan Mayor Antonio Sanchez at higit 2,000 pinalaya sa kuwesti­yonableng pamamaraan.

Ayon sa nga kongre­sista, maaaring makulong nang mahigit 2,000 taon ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor) dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law na mahigit 2000 preso ang napalaya mula 2014.

Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles hindi lamang pagka­kulong ang ang haharapin ng mga sangkot sa maling pagpalaya sa mga con­vict kundi  multang P100,000 kada isang preso na pinalaya.

“2,160 released heinous crimes convicts means 2,160 counts. 2,160 years (na kulong) and 216,000,000 fines per person,”  ani Nograles.

Aniya lahat ng opi­syal ng BuCor kasama ang miyembro ng Manage­ment, Screening and Evaluation Commit­tee (MSEC) na nag-e-evaluate sa bawat good conduct ng mga preso ay mananagot umano sa batas.

“So, those who recommended release and approved release for the heinous crimes convicts may be criminally liable for violation of Sec. 6 of RA10592 the GCTA law,” paliwanag ni Nograles.

Hindi lamang ang mga kasalukuyang opi­syal ng Bucor ang mana­nagot kundi ang mga nagdaang opisyal simula nang ipatupad ang nasa­bing batas noong Set­yembre 2013.

Sa panig ni Albay Rep. Edcel Lagman, dapat matuto ang gobyerno sa pagre-recycle ng mga walang kuwentang opi­syal.

“The recycling of garbage for reusable purposes is welcome but the recycling of rubbish officials must not be tolerated,” ani Lagman.

ni GERRY BALDO

FAELDON PALUSOT
— LACSON

NANINIWALA si Sena­dor Panfilo Lacson na nagpapalusot lang si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon base sa kanyang pagharap sa pagdinig ng justice com­mittee ukol sa kuwes­tiyonableng pagpapa­tupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para mapalaya ang convicted inmates tulad ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ipinunto ni Lacson ang pagsisinungaling ni Faeldon na hindi release order ni Mayor Sanchez ang kanyang nilagdaan kundi isang release memorandum order.

Ngunit ayon kay Lacson malinaw na  pag­papalusot lang ang pali­wanag ni Faeldon dahil hawak niya ang isang release order na nilag­daan ni Correction Tech­nical Chief Supt. Maria Fe Marquez para kay Fael­don para sa pagpapa­laya sa tatlong akusado sa pagpaslang at pagga­hasa sa magkapatid na Jac­queline at Marijoy Chiong.

Ayon kay Lacson, ang ipinakitang release order sa mga nakalayang sus­pect na pumaslang sa Chiong sister at ang release memorandum order na sinasabi ni Fael­don para kay Sanchez ay halos walang ipinagkaiba

Dagdag ni Lacson, naunsiyami ang pagpa­palaya kay Sanchez dahil sa public outcry o kuma­lat sa publiko at ito ay tinutulan.

Kasabay nito, umaa­sa ang senador na maka­gagawa ng sapat na aksiyon ng pangulo para kay Faeldon matapos na tahasang sabihin ng BuCor chief na hindi siya magbibitiw sa puwesto dahil ang pangulo lamang ang makapagpapabitiw sa kanya sa puwesto.

(CYNTHIA MARTIN)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *