Thursday , December 19 2024

Pagpapa-freeze ng egg, magandang isapelikula

NAG-HIT kaya sa takilya ng regular screening ng Belle Douleur na idineklarang top grosser sa katatapos na Cinemalaya 2019. Kahit na may aspeto ng women empowerment ang pelikula nina Mylene Dizon at Kit Thompson, matindi rin naman ang commercial appeal ng Belle Douleur dahil sa super sizzling sex scenes nina Mylene at Kit. Malamang na magustuhan ng madla ang pelikula.

Ipala­bas ang Belle Douleur nationwide sa 80 sinehan noong August 14.

Dalawang beses naghubo’t hubad sa pelikula sina Mylene at Kit at dalawang beses din tumayo nang hubo’t hubad si Kit pero nakatalikod sa kamera.

Ang karapatan ng babae na magkaroon ng sense of fulfillment sa buhay na ‘di nakadepende sa lalaki ang women empowerment aspect na binibigyang-diin ng Belle Douleur. Kasama sa aspetong ito ang karapatan ng babae na makipagrelasyon sa lalaking higit na mas bata sa kanya, ‘di mag-anak, at ‘di magpakasal ilang taon man silang magsama ng karelasyon n’ya

Ang abogadang movie producer na si Josabeth “Joji” Alonso ang direktor ng pelikula at siya rin ang nagpasimula ng istorya nito na ginawa ang script ni Therese Cayaba. 

Kung nagsisi­mula nang mag-isip si Ms. Alonso ng susunod n’yang pelikulang ididirehe, bakit hindi ‘yung may kinalaman sa pagpapa-freeze ng eggs ng babae para magamit ang mga ito kapag nagpasya na siyang gusto na n’yang magkaanak at nakapili na siya ng magiging biological father.

Malaking balita sa news websites ang pagpapa-freeze ng ABS-CBN entertainment news anchor na si Gretchen Fullido ng egg cells n’ya. Regalo n’ya ‘yon sa sarili n’ya ngayong 35 years old na siya pero ‘di pa siya nagdedesisyon kung mag-aanak siya, kung kailan, at kung sino ang magiging ama. Siya mismo ang nagbalita nito kamakailan sa Instagram page n’ya.

Ipinahayag din n’yang tatalakayin n’ya sa You Tube channel n’ya kung paano ginagawa ang pag-aani ng egg cells at pagpi-preserve niyon sa pamamagitan ng freezing. Isang siyensiya/teknolohiya ‘yon na mayroon na rin sa Pilipinas at sa ibang bansa sa Asia, bukod pa sa America.

Kinakailangan ang pagha-harvest at pagpi-preserve ng egg cells ng mga babae dahil may panahong tumitigil na sila ng pagpo-produce niyon. Mas mabuting anihin ang egg cells nila habang malusog at masigla sila para mataas ang kalidad ng egg cells na makukuha. May ganoon ding proseso para sa mga lalaki.

Ayon kay Gretchen, ang alam n’yang kapwa celebrity na nagpa-harvest and freeze ng egg cells nila ay sina Korina Sanchez, Ai Ai de Las Alas, Crystal Belo, at Aiza Seguerra. 

Malamang na hindi mura ang pagpapasailalim ng ganoong proseso. High-tech na high-tech kasi ang proses.

Oo nga pala, sa pamamagitan ng egg cell harvesting and freezing ng human reproductive cells, pwedeng hindi mismong ang babaeng pinagkunan ng egg cells ang magdalantao at magsilang. Puwedeng ipunla ang fertilized egg sa sinapupunan ng ibang babae na malusog na siyang magdadalantao sa ipinunla sa kanya. “Surrogacy” ang tawag doon at sa ganoong proseso nagkaanak ng kambal ang mag-asawang Korina at Sen. Mar Roxas. Halos araw-araw ay masayang nagpo-post si Korina sa Instagram n’ya ng mga litrato ng kambal nilang pinangalanang   Pepe at Pilar.

Ma-inspire kaya si Ms. Alonso na ang susunod na pelikula n’ya ay tungkol sa isang babae na ‘di na bata nang nagpasyang gusto na n’yang maging ina?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *