Sunday , November 17 2024

Nadine, napaka-positibong tao, ‘di nawindang sa hina ng Indak

HABANG tumatagal, lalong lumulitaw ang napaka-positive maturity ni Nadine Lustre. ‘Di pala tayo dapat mag-alala na nawiwindang siya sa balitang napakahina sa takilya ng pelikula nila ni Sam Concepcion na Indak.

Ayon sa reports, ang daming sinehan ang itinigil na ang pagpapalabas ng pelikula. Dumating sa puntong sa lagpas 80 sinehan na nagtanghal ng pelikula sa unang araw, mahigit na lang sa 30 ang natira noong ikatlong araw.

Kakayanin ni Nadine na tanggapin ang balitang ‘yon bilang pagsunod sa sarili n’yang payo sa madla na: ”Be kind to others, but most of all, be kind to yourself.” 

Ipinahayag n’ya ang payo na ‘yon kamakailan nang tanggapin n’ya ang award bilang Best Actress (for 2018) mula sa Young Critics Circle para sa pagganap n’ya sa Never Not Love You.

Sa Vargas Museum ng University of the Philippines idinaos ang parangal noong August 16.

Dagdag na payo pa ni Nadine sa madla sa acceptance speech n’ya: “Mahalin mo ang sarili mo dahil sa mga moment na nag-iisa ka, wala kang ibang masasandalan kundi ang sarili mo. Para sa mga pagkakataong wala nang kakampi sa ’yo, palagi mo kakampi ang sarili mo. 

“Lahat ng gagawin mo sa buhay, gawin mo nang may puso at walang sinasaktang ibang tao.”

Dagdag na paliwanag n’ya: “Para sa lahat ng mga heartbreak na napagdaanan natin, walang ibang nagdedesisyon na mag-move on tayo kundi ang mga sarili natin. 

Sa mga pagkakataon tayo ay nadadapa, tayo ang nagdedesisyon na bumangon ulit. Sa mga malulupit na challenges na dumarating sa buhay natin, nalalagpasan po natin ang mga ‘yon dahil nagpapakatatag tayo at hindi nagpapatumba, gaano pa kahirap.”

Binigyang-diin din n’ya ang kahalagahan ng paniniwala sa sarili. Aniya: “Kung mayroon mang mga pagkakataong walang naniniwala at bumibilib sa’yo, paniwalaan mo ang sarili mo. Hangga’t kilala mo ang sarili mo, wala kang kailangan patunayan sa ibang tao. 

At kung pilit ka naman nilang hahatakin pababa at babatuhin ng mga bato, huwag mo silang batuhin ng tinapay. Pulutin mo ang mga bato at gumawa ka ng palasyo.” 

‘Pag ganyan ka-positive ang isang tao, halos siguradong magiging matagumpay na matagumpay ang susunod niyang proyekto pagkatapos ng isang kabiguan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *