Wednesday , May 7 2025
pnp police

‘Regalo’ sa pulis kung hindi suhol okey lang — Palasyo

NANINDIGAN ang Palasyo na walang masa­ma sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis gaya ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, eksempsiyon sa anti-graft provision ng Republic Act No. 3019  kung ang isang regalo ay kusang ibinigay ng mga taong nabigyan ng tulong ng mga pulis at hindi bilang suhol kundi bilang isang token of gratitude ng pasasalamat o pagka­kaibigan.

Wala rin aniyang nalalabag na batas sa ilalim ng  Republic Act No. 6713, o the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kung ang isang bagay o regalo na ibinigay ay hindi bilang pabor na hiningi ng isang taga-gobyerno kapalit na naitulong sa isang indibidwal.

Bilang isang abogado, inihayag ni Panelo, batid ng Presidente ang itina­takdang mga eksempsi­yon sa probisyon ng batas.

Ani Panelo, mahigit dalawang dekadang nag­lingkod sa local govern­ment ang Pangulo at batid niya kung gaano kasidhi ang pagnanais ng mga naging constituents para maiparamdam ang kanilang “appreciation” sa nagawa ng Pangulo sa Davao na itinuturing ngayong isa sa pinaka­ligtas na lugar sa Asya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

No Firearms No Gun

Para sa mapayapang eleksiyon  
GUN BAN PINAIGTING 360 BARIL KOMPISKADO 356 SUSPEK ARESTADO SA CENTRAL LUZON

ni Micka Bautista BILANG bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng gun ban ng Commission …

Arrest Posas Handcuff

Pusakal na karnaper arestado, nakaw na motorsaklo narekober

MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang isang lalaki na sinasabing sangkot sa malawakang pagnanakaw ng …

Rubber Gates Bustos Dam Bulacan

Panawagan sa pamahalaang nasyonal at NIA  
RUBBER GATES NG BUSTOS DAM PALITAN NG ESTANDARISADONG MATERYALES – BULACAN PROVINCIAL GOVERNMENT

PRAYORIDAD ang kaligtasan ng mga Bulakenyo kaya nang masira ang isa sa mga gate ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *