Sunday , May 4 2025

Malasakit Center sa Naga City pinasinayaan ni Sen. Bong Go

WALANG kulay politika ang pagbibigay serbisyo ng administrasyong Duterte sa mga Filipino.

Ito ang pinatunayan ni Sen. Christopher “Bong” Go nang magtungo sa Naga City, Camarines Sur kama­ka­lawa para pasinayaan ang Malasakit Center sa Bicol Medical Center.

Ang Naga City ang hometown ni Vice President Leni Robredo.

Sinalubong si Go ng mga Bicolano na tuwang-tuwa sa pagtatag ng Mala­sakit Center sa kanilang bayan, ang ika-39 sa buong bansa na pet project ng senador nang siya’y Special Assistant to the President (SAP).

Sa loob ng pagamutan ay pinigilan ni Go ang paglu­hod sa kanyang harapan ng isang ginang na umiiyak at gustong humingi ng tulong para sa kanyang anak na nakaratay sa intensive care unit (ICU).

Agad na pinaasikaso ni Go ang lahat ng panga­ngailangan para sa pagpa­pagamot ng bata.

Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ni Go ang ka­ha­lagahan nang pagtu­long sa kapwa.

Minsan lang po tayo daraan sa mundong ito at kung ano po ang kabutihan o tulong na puwede natin gawin sa ating kapwa ay gawin na natin ngayon dahil hindi na tayo babalik sa mundong ito,” ani Go.

“Basta kami ni Pangu­long Duterte, mahal n’yo man kami o hindi , patuloy kaming magseserbisyo sa inyo dahil para sa amin ni Pangu­long Duterte, ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” dagdag niya.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop para sa mga maralitang pasyente na humihiling ng ayudang medikal sa iba’t ibang ahensiya ng pama­halaan gaya ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, PhilHealth, Philip­pine Charity Sweepstakes Office at Philippine Amuse­ment and Gaming Corporation.

Kamakailan ay naghain ng panukalang batas si Go para ma-institutionalize ang Malasakit Center upang matiyak ang operasyon nito kahit tapos na ang termino ng administrasyong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sulong Malabon

Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye …

Comelec Money Pangasinan 6th District

Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying

NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan …

Sara Duterte

Kaya nag-endoso ng kandidatong senador
VP SARA ‘TAGILID’ SA IMPEACHMENT

NANINIWALA ang abogadong si Atty. Antonio Bucoy na nararamdaman ni Vice President Sara Duterte na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *