Sunday , December 22 2024

Martial law, nakaamba sa Negros Oriental

NAGBABALA ang Pa­la­syo na magdedeklara ng martial law para wakasan ang luma­lalang karahasan sa Negros Oriental.

Ayon kay Presi­den­tial Spokesman Salvador Panelo, puno na si Pa­ngu­long Rodrigo Duter­te sa mga karahasang inihahasik ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Negros Oriental.

Ikinokonsidera aniya ni Pangulong Duterte na gamitin ang kanyang emergency powers, kasa­ma ang martial law, para mawa­kasan ang gulo na kagagawan ng rebeldeng grupo sa lalawigan.

Ayon kay Panelo, sinamantala ng mga rebeldeng komunista ang nagaganap na land dis­pute sa Negros at  inaring parang kanila na ang probinsiya.

Mistulang sila aniya ang nagpapasiya sa kung sino-sino ang da­pat na magmay-ari ng mga lupain sa lalawi­gan.

Nauna rito’y itinaas ng Pangulo sa P5 milyon ang reward money sa sinomang makapag­tuturo sa mga pumatay sa apat na pulis sa Negros.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *