Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine at Sam, pilit lang daw ang pagiging sweet?

NAPA-WOW naman kami sa pahayag ni Nadine Lustre na napilitan lang sila ni Sam Concepcion na maging ‘sweet’ sa isa’t isa dahil ‘yun ang nasa script. Ang matindi, sinabi nitong nandiri siya sa kanilang intimate scene ni Sam na leading siya sa latest movie  ng Viva Films.

Matagal na daw silang magkaibigan ni Sam at naging closed friends na humantong na magturingan silang magkapatid dahil sa nabuo nilang closeness. Hence, sa kanilang mga intimate moments ay kinikilabutan daw sila lalo na kung nagkatitigan sila, nandidiri daw sila sagil pakiramdam nila ay they’are doing an incest act.

Well, sana hindi na lang nagbigay ng ganitong pahayag si Nadine dahil hindi ito makatutulong sa promo ng kanilang pelikula lalo pa’t alam naman  nila na umaarte lang sila dahil alam ng buong industriya na ang BF ni Nadine ay si James Reid.

In fairness, gusto namin ang pagiging prangka ni Nadine pero dapat ilagay ito sa tamang lugar dahil kung pinanonood ko ang ang movie at doon sa intimate scene nila ay bigay na bigay sila sa kanilang ginagawa  na alam naming nandidri ang dalawa sa kanilang ginagawa, the best way for me to do ay tumayo at lumabas sa sinehan.

Dapat naisip ni Nadine na milyones ang nagastos sa paggawa ng isang main stream movie at magiging flopsina lamang dahil sa mga pahayag nito.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …