Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LGUs na sabit sa PCSO corruption tutukuyin

KASAMA ang mga nasa lokal na pamahalaan sa isinasagawang imbes­tigasyon ng Palasyo sa sinasabing anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang ibinunyag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng nakakasa na ngayong pagsisiyasat sa umano’y iregularidad na bumaba­lot sa PCSO.

Sinabi ni Panelo, hindi lang sa loob mismo ng PCSO  nakasentro ang gina­gawang  pagsilip sa umanoy katiwalian kundi mismo sa labas ng ahen­siya na dito nga ay bi­nang­git ang hanay ng LGUs.

Hindi na idinetalye ni Panelo kung paano nadadawit ang mga nasa lokal na pamahalaan sa isyu ng korupsiyon sa PCSO na pinaniniwalaang bahagi ng sabwatan.

Unang sinabi ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte, ang katiwaliang naga­ganap sa PCSO ay pro­dukto ng isang grand conspiracy na labis niyang ikinagalit kaya isinus­pende ang lahat ng gaming schemes na pina­tatakbo ng ahensiya.

NBI TUTOK

KONTRA

KORUPSIYON

SA PCSO

BUMUO ng dalawang grupo ang National Bureau of Investigation (NBI) para tumutok sa imbestigasyon ng uma­no’y talamak na korup­siyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, sisikapin nilang matapos agad ang imbestigasyon sa sinasabing katiwalian sa loob ng PCSO gayondin ang pagsasampa ng kaso sa mga nasa likod nito.

Nangako si Gierran na mahigpit ang kanilang gagawing pagbusisi para makapangalap ng matibay na ebidensiya laban sa mga sangkot.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Gue­var­ra,  tututukan ng im­bestigasyon ang umano’y bilyong pisong halaga ng pera mula sa gaming operations ng PCSO na hindi naire-remit.

Samantala, bukod sa PCSO, kasabay na sisiya­satin ng NBI ang mga sinasabing katiwalian sa Bureau of Customs (BoC).

Kaugnay nito, itina­laga si NBI Deputy Direc­tor Atty. Antonio Pagat­gat para pangunahan ang imbestigasyon sa PCSO at BoC.

SANDRA CAM, et al
IIMBESTIGAHAN DIN

HINDI ligtas si Sandra Cam at iba pang mata­taas na opisyal ng Philip­pine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa im­bestigasyong ginagawa ng mga awtoridad sa malawakang korupsiyon sa ahensiya.

Sa  panayam kay Presidential Spokesman Salvador panelo, sinabi niyang kasama sa binu­busisi ngayon ang pagti­sipasyon sa malawakang pakikipagsabwatan sa pangungurakot sa pondo ng PCSO ng ilang mata­taas na opisyal nito.

Gayonman, inilinaw ni Panelo na katuwang ng mga awtoridad ang bagong general manager ng PCSO na si Col. Royina Garma sa mga nagsasa­gawa ng imbestigasyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Panelo, kasama rin sa ikinokonsidera sa isina­sagawang pagsisiyasat ang mga dati nang isiniwalat noon ni dating PCSO general manager Alexander Balutan.

Matatandaan, nag­bitiw sa puwesto si Balu­tan dahil hindi na aniya maatim ang malawakang katiwaliang nangyayari sa ahensiya.

Sa ngayon ay si Ansel­mo Pinili ang chair­man ng PCSO.

Kaugnay nito, magsa­sagawa ng lifestyle check si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica sa lahat ng matataas na opisyal ng Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO) maging ang dating general manager nitong si Alexander Balutan.

“We will be conduc­ting a life style check against all of them after the pronouncement of the President that he is closing down PCSO operations for massive corruption. On top of the cases that is already pending before us,” ani Belgica.

(ROSE NOVENARIO)

PASENSIYA NA,
PALASYO HINDI
MAGSO-SORRY

HINDI hihingi ng pau­manhin ang Palasyo sa mga operator at ordinar­yong empleado ng lotto na nawalan ng trabaho at kita sa apat na araw na pagpapasara ng ope­ra­syon nito.

Sa isang panayam sa Malacañang, nanindigan si Presidential Spokesman Salvador Panelo na kumi­ta sila sa mahabang pana­hon na operational ang kanilang outlets.

Para sa daan-daang libong mga kawani ng small town lottery (STL) at iba pang games sa PCSO, sinabi ni Panelo na naghahanap na ngayon ng paraan ang Pangulo para mabigyan ng ayuda habang patuloy na umiiral ang suspension order.

Masyado aniyang malawak ang korupsiyon sa nasabing mga laro at kailangan malinis muna bago pagpasyahan ng pangulo kung marapat nang ibalik ang ope­rasyon.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo, ginagawa ng mga awtoridad ang lahat katuwang ang bagong general manager ng PCSO na si Col. Royina Garma para mapabilis ang imbestigasyon.

Sabado ng gabi nang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendido muna ang operasyon ng Lotto, STL, Peryahan ng Bayan at Keno games dahil sa sinabing malawakang korupsiyon sa PCSO.

Kamakalawa ng gabi, binawi ng Palasyo ang suspensiyon sa lotto at muli itong pinabubuksan ng pangulo sa lalong madaling panahon, ngu­nit nananatiling hindi operational ang STL at iba pang gaming operations ng PCSO.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …