Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PCSO ipinasara dahil sa ‘grand conspiracy’ (Sangkot sa korupsiyon sa ibubunyag ni Duterte)

MAY grand conspiracy sa lahat ng ‘players’ at participants ng gaming operations sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, masyadong mala­wak ang korupsiyon sa PCSO kaya ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang gaming opera­tions.

Dinadaya aniya ng ‘players’ ang gobyerno at hindi nagbibigay ng karapat-dapat na share mula sa kita ng gaming operations.

Aabot aniya sa 60 hanggang 70 porsiyento ng share ang nawawala sa gobyerno.

Katuwiran ng Pangu­lo kung maliit lang ang kita ng gobyerno mas makabubuting isara na lamang ang PCSO  dahil may iba pa namang mapag­kukunan ng pondo ang pamahalaan gaya ng PAGCOR at discretionary fund ng Office of the President.

Kaugnay nito, magla­labas ng executive order si Pangulong Duterte para gawing pormal ang utos na ipasara ang operasyon ng lotto at iba pang gaming operations ng PCSO.

Paliwanag ni Panelo, kahit na walang executive order, executory na ang utos ng Pangulo.

Dagda niya masyado nang nagugumon ang mga Pinoy sa sugal at ito ang isa sa mga dahi­lan kaya nagpasya si Pangu­long Duterte na ipatigil ang gaming operations ng PCSO.

Ani Panelo, hindi na nakabubuti sa lahi at kultura ng mga Filipino ang malulong sa sugal.

ni ROSE NOVENARIO

SANGKOT
SA KORUPSIYON
SA PCSO IBUBUNYAG
NI DUTERTE

MALALAKING tao ang nasa likod ng korupsiyon sa gaming operations sa Philippine Charity Sweep­stakes Office ( PCSO).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi lamang mga taga-PCSO ang sang­kot kundi maging ang ilang local govern­ment officials at mga hukom.

Ayon kay Panelo, ibubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakakilanlan ng malalaking tao pagdating ng takdang panahon.

Magiging maingat aniya ang Pangulo sa pagbibigay ng pangalan sa mga sangkot sa korup­siyon para hindi mag­kamali.

Bilyon-bilyong piso aniya ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa korupsiyon sa PCSO.

Gayunman, walang dapat na ipag-alala ang publiko sa pagsasara ng gaming operations ng PCSO.

May mapagkukunan pa aniya ang pamahalaan para sa mga humihingi ng medical assistance sa PCSO gaya ng PAGCOR na umaayuda sa pama­halaan.

Bukod dito, maaari rin magpalabas ang Office of the President ng pondo mula sa discre­tionary fund.

Makapagbibigay pa aniya ng medical assis­tance ang gobyerno kahit sarado na ang gaming operations ng PCSO.

Payo ni Panelo, sumu­lat lamang sa tanggapan ni Pangulong Duterte o dumulog sa mga tang­gapan ng PAGCOR para makahingi ng medical assistance.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …