Saturday , November 2 2024

Ang kahalagahan ng patriotism sa survival ng ating bansa

ANG pagkamakabayan, o patriotism sa wikang English, ay isa sa mga pamantayan na nagpapatatag ng pundasyon ng isang nasyon. Dahil sa lalim ng kahulugan nito, malimit ito rin ang ibig sabihin ng karamihan kapag ginagamit nila ang mga katagang pag-ibig sa tinubuang lupa at kabayanihan.

Para sa akin, ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Isa itong batayan ng ugali kung saan nakikita ang tunay na pag-ibig ng isang mamamayan sa kapwa Filipino.

May halaga ba sa iyo ang pagkamakabayan o patriotism sa makabagong panahon na ating kinabibilangan?

*****

Sa bandang akin 100% na mas mahalaga ito kaysa materyal na bagay at karangyaan na ayon na rin sa published works at obserbasyon ng sociologists, tila sinasamba ng tao sa kasalukuyang panahon.

Kasama ng values katulad ng disiplina, honor at integridad, tila iniwan ito ng marami matapos ang mahabang panahon ng pag-aaral na naghubog sa kanilang kakayahan sa buhay. Ang ‘dating’ kasi sa akin ng mga kapwa natin na focused sa kanilang propesyon at mga pinagkakaabalahan ay tila ba sa nobelang Florante at Laura na lamang nalalasap at hindi sa tunay na buhay.

*****

Ang katotohan bakit mahalaga ito ay makikita sa ehemplo ng bansang Israel, South Korea at Japan – mga bansang sinuong ang unos ng pagsubok upang maging matatag at progresibo sa panahon ngayon.

Ayon na rin sa aking mga pag-aaral ukol sa

pag-usbong ng contemporary societies, hindi kaila na ang survival ng isang nasyon ay depende sa antas ng pagkamakabayan ng mga mamamayan nila. Kung mataas ang antas, kayang isulong ng taong-bayan ang kanilang lipunan sa harap ng samot-saring krisis.

*****

Ito ang pumasok sa aking isipan noong ako ay dumalo sa pagtitipon ng JCI Manila. Para sa kaalaman ng ilan, ang JCI o Junior Chamber International sa Manila ang siyang pinakamalaking grupo ng mga bata at makabagong negosyante sa buong Asia.

Sa pagtitipon na ‘yun, ikinuwento ni Jinri Park ang level ng patriotism sa  South Korea. Sabi niya sa South Korea daw kapag ikaw ay isang mamamayan ng bansa nila at nakitang gumagamit ng gadgets, sasakyan at mga kagamitan na hindi gawa sa kanilang bansa, ang tao ay nakatingin sa iyo at nagtatanong sa kanilang mga mata bakit ka gumagamit ng isang bagay na hindi gawa sa kanilang bansa. Ganoon ang pagmamahal nila sa bansa nila.

Ang bansang South Korea ay salat din sa pondo noong araw pero  ang katatatagan ng kanilang gobyerno at dahil sa kanilang kahirapan  noon ay hindi nila binitiwan ang kanilang pagkamakabayan o patriotism na umabot sa puntong mga alahas nila ay kusang loob nilang iniambag sa gobyerno upang magampanan ang kanilang obligasyon na isalba ang bansa nila sa krisis.

*****

Isa lamang ito sa maraming mga kuwento kung bakit ang mga batayang nakaugat sa pagkatao ng mamamayan ay kinakailangan palakasin muli dahil ang patuloy na kaunlaran o ang pag-urong ng isang nasyon ay nakaankla sa taong-bayan. Ipangako sa sarili na impluwensiyahan ang mga nakapaligid sa iyo, lalo ang mga kasunod na henerasyon ng mga Filipino, na patatagin ang ating nasyon at lipunan gamit ang ating pagkamakabayan o patriotism.

Paano maipahihiwatig ang pagkamakabayan o patriotism sa panahon ng materyalismo at makasarili?

Kung mahal mo ang ating bayan, simulan mo anumang gawain, adbokasiya o programa na direktang makaapekto sa sarili mo at sa mga nakapaligid sa ‘yo.

Magtanin ng kahoy bilang pamana sa kasunod na henerasyon. Baguhin ang mga baluktot na ugali. Pumila sa linya. Huwag itaguyod ang kamangmangan. Huwag mag-jaywalking. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa Filipino. Gumawa ng positibong epekto sa lipunan.

Mag-volunteer sa Red Cross o sa community disaster response teams sa inyong barangay. Simulan mo ang pagbabago sa iyong sarili, dahil masigasig man ang lider ng bansa na ibinoto natin noong 2016, walang ready made na pagbabago dahil kesyo ibinoto natin ang ideya ng pagbabago. Ang pinili natin ay kandidatong aagapay sa atin para magbago.

*****

Hindi motherhood statement o battlecry ang change is coming na puwede nating ipagsigawan sa buong mundo. Taimtim na pangako natin ‘yun sa ating mga sarili para magbago. Kapag hindi nangyari o dumating ang pagbabago sa ating lipunan, hindi na ‘yun kabiguan ng isang namumunong lider kundi ng kolektibong kabiguan nating lahat bilang isang bansa.

 

About Gerry Zamudio

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *