Sunday , December 22 2024

P1-M patong sa ulo vs ‘killer’ ng 4 pulis sa Negros Oriental

NAG-ALOK ng P1 milyong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga responsable sa pamamaslang sa apat na pulis sa Barangay Mabato, Ayungan, Negros Oriental.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bumisita kamakalawa ang Pangulo sa burol ng apat na napatay na pulis at nakidalamhati sa mga naulilang pamilya.

Nagsagawa ng command conference ang Pangulo sa militar at pulisya upang mabatid ang update sa imbestigasyon sa insidente.

Ani Panelo, titiyakin ng Palasyo na mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng apat na pulis.

Batay sa ulat, tinambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang apat na pulis.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *