Wednesday , May 7 2025

WPS issues, pangako, laban at tagumpay puwedeng iulat ng Pangulo sa SONA

INAASAHANG isa ang West Philippine Sea sa mga isyung tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ngayon sa pagbubukas ng 18th Congress.

Sa kalatas ay sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na iuulat din ng Pangulo sa sambayanang Filipino ang mga nakamit na tagumpay ng kanyang administrasyon sa nakalipas na taon, ang kasalukuyang sitwasyon  ng bansa at ang kanyang mga plano sa nalalabing tatlong taon ng kanyang gobyerno.

Puwede rin aniyang isalaysay ng Pangulo ang mga naging pangako niya sa paglaban sa korup­syon, illegal drugs at rebelyon.

Maaari aniyang sabi­hin ng Pangulo ang mga paraan upang mapanatili ang paglago ng ekono­miya at ang kanyang legislative agenda.

Kaugnay nito, sinabi ni Communications Secre­tary Martin Andanar, posibleng tumagal ang ikaapat na SONA ng Pangulo ng 45 minuto hanggang isang oras.

Matatandaan, ang unang Sona ng Pangulo ay tumagal nang isang oras at 22 minuto; ang ikalawa ay dalawang oras at ang ikatlo’y 48 minuto.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *