Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Malacañan CPP NPA NDF

Palasyo ‘walang paki’ sa hinalang paninira ng CPP-NPA-NDF sa Global community

WALANG balak ang Palasyo na paim­bestiga­han ang koneksiyon ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa resolusyon ng Iceland laban sa human rights violations sa ilalim ng adminis­trasyong Duterte na sinusugan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hahayaan na lamang ng Malacañang ang mga paninira ng kilusang komunista sa administrasyong Duterte na pinaniniwalaan ng ibang bansa gaya ng Iceland.

“Pinababayaan na nga namin, ‘di ba? Haya­an mo na sila, we’ll just do our best,” ani Panelo.

Kamakalawa ay inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na posibleng kagagawan ng CPP-NPA-NDF ang mga pani­nira sa administrasyong Duterte na naging basehan ng resolution ng Iceland sa UNHRC.

Kaugnay nito, inamin ni Panelo na ikinokon­sidera ni Pangulong Duter­te ang pagkalas sa diplomatic relations sa Iceland dahil sa mali­syoso at one-sided na resolution sa UNHRC.

Hindi aniya nakikita at nauunawaan ng Iceland ang realidad ng epekto ng problema ng bansa sa illegal drugs.

Ipinakikita rin aniya ng resolusyon kung paano insultohin ng Western countries ang karapatan nating protektahan ang sariling mamamayan laban sa paglatay ng ilegal na droga na malinaw na banta sa ating lipunan.

Ang pakikialam  ng Iceland ayon kay Panelo ay nararapat lamang kondenahin.

Malinaw din aniya na ang resolusyon ng Iceland ay nakadisenyo para hiyain ang Filipinas sa harap ng international community at Global audience.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …