MAY 20 porsiyentong diskuwento ang lahat ng estudyante sa lahat ng uri ng transportasyon alinsunod sa Student Fare Discount Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa sa Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act, makakukuha ng 20 percent discount ang mga estudyante sa pasahe basta’t tiyakin na may maipipresentang identification card o enrolment form.
Kasama sa discount ang public utility bus, mga jeepney, tricycle taxi, eroplano at mga barko.
Saklaw din ng diskuwento sa bagong batas ang weekends at holidays.
Labing limang pisong multa at kanselasyon ng certificate of public convenience ang maaring kakaharapin ng mga may-ari ng pampublikong sasakyan kapag hindi tumalima sa batas.
Noong 17 Abril, nilagdaan ng pangulo ang batas ngunit ngayon lamang inilabas ng palasyo ang dokumento hinggil dito.
May nakalaang parusa para sa mga estudyante na gagamit ng mga pekeng ID para makakuha ng discount sa pasahe.
(ROSE NOVENARIO)