Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

EDDYS Choice, imposibleng magawan ng milagro, wala ring dagdag-bawas

ISINUSULAT namin ang column na ito, hindi pa namin alam kung sino ang mga nanalo sa ikatlong Eddys, o iyong Entertainment Editors’ Choice. Nagbotohan na sila the day before, pero walang nakaalam kung ano ang resulta dahil iyon ay ipinasa nila agad sa isang accounting firm na siyang gagawa ng tabulation ng kanilang mga boto.

Maski ang mga miyembro hindi alam kung sino talaga ang nanalo. Bale lalabas lamang iyon matapos na opisyal na basahin ang mga winner na nakasulat sa isang papel na iaabot lamang sa mga presenter sa oras na ibibigay na ang awards.

Pero hindi mo masasabing may makagagawa ng milagro, dahil pagkatapos ng awards, obligado ang accounting firm na isumite sa Eddys ang kanilang ginawang tabulation, kabilang na ang mga orihinal na balotang sinulatan ng mga miyembro. Wala mang pangalan nila ang mga balota, kung ikaw naman ang sumulat niyon, tiyak makikilala mo kung ikaw iyon o hindi. Kaya hindi maaaring magdagdag, magbawas, o magpalit ng balota ang sino man matapos na sila ay makaboto hanggang sa maideklara ang mga nanalo.

Iyan ang pinaka-ideal na sistema ng pagbibigay ng awards. May isang accounting firm na itataya ang kanilang lisensiya sa kanilang gagawing trabaho. Hindi iyong kagaya ng iba na kung sino lang ang pagbibilangin sa isang sulok, tapos kung hindi pa magustuhan ang bilang, maaaring palitan ang resulta. Wala naman kasing certification ang resulta mula sa isang lisensiyadong accounting firm. Kaya kung minsan, sila-sila rin nagtataka sa resulta dahil hindi ganoon ang inaasahan nila mula sa kanilang mga ibinoto.

Ang maganda nga lang diyan sa Eddys, hindi nila isinusugal ang kanilang karangalan diyan sa awards na iyan. Walang bentahan. Walang lakaran at wala ring dagdag-bawas.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …