Tuesday , May 6 2025

Walang iskuwater sa sariling bayan — Sen. Bong Go

HANGARIN ito ni Sen. Christopher “Bong” Go para sa mga Filipino kaya naghain siya ng panukalang batas na tatapos sa dumaraming bilang ng squatter o informal settlers sa bansa.

Sa pamamagitan ng National Housing Deve­lopment Production and Financing bill, target niyang mapagkalooban ng sariling bahay ang mahihirap sa mahabang panahon ay walang mata­tawag na sariling tirahan.

Ipinaliwanag ni Go, batay sa naturang panu­kalang batas, ilang op­siyon ang kanyang inila­tag para maka­benepisyo ang mga kinauukulan para magkaroon ng sariling bahay.

Una na rito ang pagpayag ng may-ari ng isang pribadong lupa na ibenta ang kanyang ari-arian na ipi- finance o gugugulan naman ng  Community Mortgage Program o CMP para tayuan ng murang paba­hay ng pamahalaan.

Nakapaloob sa panukala ang pagbuo ng asosasyon ng mga informal settlers at mula roon ay makabalangkas ng pamamaraan kung paano mababayaran nang madali ang lupain kung saan nakatirik ang kani­lang pamamahay.

Dagdag ni Go, nakausap na rin niya ang National Housing Authority tungkol kan­yang panukalang batas at mula rito’y nata­lakay na kung paano mapag­kakalo­oban ng murang paba­hay ang mga Fili­pino na hang­gang nga­yon ay wala pang sariling tahanan.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *