Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, enjoy na enjoy sa pamamasyal sa South Korea

ALIW na aliw si Ate Vi (Vilma Santos) sa kanyang pamamasyal sa South Korea. Namamasyal sila sa isang mall sa Seoul doon sa karamihan ng mga picture. Kasama niya si Senator Ralph Recto, at ang buong pamilya, na sinasabi nga ni Ate Vi na, ”sa Pilipinas, kahit na sa Batangas, hindi ko magagawa ang ganito.”

Hindi talaga puwede. Subukan niyang pumasok sa kahit na saang mall dito kung hindi siya pagkaguluhan ng mga tao. Natatandaan nga namin noong araw, sinubukan niyang pumasok sa isang mall na ang paniwala niya ay up scale naman at siguro hindi siya papansinin ng mga tao. Aba eh sandali lang ang dami nang sumusunod sa kanya. Tapos may naghihiyawan na. Nakiusap sa kanya iyong security ng mall na kung ano ang gusto niyang bilhin sila na lang ang kukuha, dahil natatakot silang mabasag ang mga salamin sa mall. Umuwi na lang si Ate Vi.

Kaya enjoy siya talaga basta nasa abroad eh.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …