INAANYAYAHAN ng Departamento ng Filipino, Sentro sa Salin at Araling Salin ng Unibersidad ng Santo Tomas at ng Komisyon sa Wikang Filipino ang lahat ng mga tagasalin, nais matutong magsalin, mga guro ng pagsasalin at mga guro ng wika at kultura pati na ang mga pablisyer, mga kompanya sa wika at mananaliksik na dumalo sa Hasaan 7: Pambansang Kumperensiya at Kongreso sa Pagsasalin na gaganapin sa 5-7 Agosto 2019 mula 8:00 am hanggang 5:00 pm sa Thomas Aquinas Research Center Auditorium ng UST.
Ilan sa mga pangunahing tagapagsalita sina Virgilio Almario, Fortunato Sevilla III, Galileo Zafra, Michael Coroza, Voltaire Villanueva, Jayson Petras, Arthur Casanova at Rolando Bernales.
Bilang pagdiriwang sa Pandaigdigang Taon ng mga Wikang Katutubo, nakatuon ang Hasaan 7 sa temang “Ang Papel ng Pagsasalin sa Interaktibong Ugnayan ng Wikang Pambansa at mga Wikang Katutubo.”
Tatalakayin sa kumperensiya ang kahalagahan ng pagsasalin sa pagkilala sa multikultural na realidad ng wikang Filipino, ang iba’t ibang karanasan sa pagsasalin mula sa iba’t ibang larangan at ang mga batayang hakbang sa pagsusulong ng propesyonalisasyon ng pagsasalin sa bansa.
Tiyak nitong mga layunin ang mga sumusunod:
- Matukoy ang kahalagahan ng pagsasaling pampanitikan sa pagkilala sa multikultural na realidad ng Filipinas;
- Maihambing ang iba’t ibang karanasan sa pagsasaling pampanitikan mula sa iba’t ibang larangan;
- Maibahagi ang sariling obserbasyon sa mga hamon sa propesyonalisasyon sa pagsasalin sa bansa; at
- Makilahok sa pagmumungkahi ng mga batayang hakbang sa pagsusulong ng propesyonalisasyon ng pagsasalin sa bansa.
Ang halaga ng rehistrasyon ay P2,500 para sa sertipiko ng pagdalo sa tatlong araw na seminar, pagkain, kit at kaukulang CPD units.
Maaaring magpatala at magbayad hanggang 31 Hulyo 2019.
Para makapagrehistro, mangyaring punan ang Google Form na nasa link na https://forms.gle/9mz4n2JYwRiFhZLL9.
Maaari rin magbayad sa pamamagitan ng banko gamit ang sumusunod na mga detalye: BPI Account Name: University of Santo Tomas Account Number: 0151-0000-45.
Para sa imbitasyon at iba pang detalye, makipag-ugnayan kay Prop. Amur Asuncion sa email na [email protected] at sa numero na 09276423078.