Saturday , November 23 2024

UP Manila Summa Cum Laude nagpasalamat sa Munti LGU para sa scholarship

BUMISITA para sa kortesiya si University of the Philippines – Manila, Class 2019 Valedic­torian and Summa Cum Laude Graduate Mia Gato, residente sa Muntinlupa, kay Mayor Jaime Fresnedi nitong 2 Hulyo.

Nagpasalamat si Gato sa local government sa scholarship assistance na ipinagkaloob sa kanya sa panahon ng kanyang pag-aaral sa UP Manila.

Noong 2015, kinilala si Gato bilang isa sa Most Outstanding Students of Muntinlupa.

Kasama niya ang kanyang mga magulang na sina Batanes congressman, Dr. Ciriaco Gato, Jr., at Dra. Jade Gato. Nasa larawan din sina City Administrator Engr. Allan Cachuela, LEIPO Gary Llamas, at Muntinlupa Scholarship Program Acting Head Alvin Veron.

Ang Muntinlupa City ay nag-aalok ng komprehensibong scholarship program para sa kanilang mga residente mula elementarya hanggang kolehiyo, kabilang ang mga naka-enroll sa technical-vocational, sa graduate school, sa law, at sa medical schools.

Sa kasalukuyan, ang MSP ay mayroong  mahigit sa 65,000 scholars.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *