Monday , December 23 2024

Impeachment complaint puwede maging krimen

HINDI maituturing na krimen ang pagsasampa ng im­peach­ment complaint pero kapag ito ay iniuumang la­ban sa isang indibidwal para udyukan siyang guma­wa ng isang marahas na bagay, ito ay maituturing na krimen.

Ito ang paliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasunod ng mga bantang paghahain ng impeachment complaint ng ilang sector laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito, kompi­yansa si Nograles na wa­lang mararating ang anu­mang reklamong impeach­ment na planong ihain laban sa Pangulo.

Dadaan aniya sa pro­seso ang reklamong ito at sa nakikita niya ngayon, manipis aniya at mababaw ang dahilan ng mga nagba­balak na sampahan nito ang pangulo.

Wala pa naman kasi ani­yang aktuwal na basehan para patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte.

Sa nauna nang paha­yag nina Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating DFA Sec. Albert Del Rosario, sinabi nila na isang impeacheable offense ang pagpayag ni Pangulong Duterte na makapangisda ang China sa exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *