Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, leading lady na ni Aga

MUKHANG maliwanag na nga ngayon na hindi pinakinggan ang sinasabi ni direk Erik Matti na ang dapat na pumalit kay Liza Soberano sa pelikulang Darna ay si Nadine Lustre. Sa kabila niyon, nagpa-audition pa rin sila. Kasama pa nga sa nag-audition pati mga artista ng GMA 7, pero maliwanag ding may idea na silang iba, dahil ngayon ang nakaporma ngang lalabas doon sa Darna ay ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach, “kung matutuloy pa iyang ‘Darna’ na iyan,” sabi ng ibang observer.

Pero bale wala iyon kung hindi man natuloy si Nadine sa Darna, dahil ngayon mismong ang mga producer na niya ang gagawa ng pelikula niya na ang leading man ay si Aga Muhlach. Aba, mas matindi iyan kaysa Darna. Isipin ninyo, roon sa Darna, ang ibinebenta mo lang ay iyong character.

Iyong makakasama niya si Aga, aba eh isa iyan sa naging pinakasikat na matinee idol of all time, bukod doon kilala siya sa pagiging isang mahusay na actor. Hindi rin gagawa iyan ng hotoy-hotoy na pelikula lamang. Mabait naman iyang si Aga, pero siguro naman kung ang sasabihin mo sa kanyang makakasama niya ay isang hotoy-hotoy na artista lang, hindi papayag iyan. The fact na pumayag siyang gawin ang pelikula kasama si Nadine, ibig sabihin naniniwala rin siya sa kakayahan niyon.

Baka iyan naman talaga ang kailangan ni Nadine eh. Sinasabi nila na sa pananalo niya ng awards, at saka roon sa pelikula niyang kasama na Carlo Aquino, napatunayan na niya ang kakayahan niya sa acting. Ang kailangan niya sa ngayon ay isang pelikulang gagawa ng box office record para masabing talagang star na siya. Iyang si Aga, maaaring madala ang pelikula nila sa box office records.

May dahilan para matuwa si Nadine sa nangyayaring iyan sa kanyang career. Hindi naka-program iyan pero siguro nga talagang nangyayari. Suwerte lang niya talaga.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …