Sunday , December 22 2024

LTFRB ban sa hatchback kukuwestiyonin sa Korte

HIHINGIN na ng Lawyers for Com­muters Safety and Pro­tection (LCSP) ang utos ng Korte para ipatupad ng LTFRB ang tatlong-taon palugit sa paggamit ng hatchback sa TNVS.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, biglang ini-ban ng LTFRB ang mga hatch­back taliwas sa memorandum na puwede ito bilang TNVS.

Ayon kay ACTS-OFW Partly­list Rep. Aniceto “John” Bertiz III, ang sektor ng OFWs ang isa sa pinakamatinding tinamaan ng mga ‘pahirap na policy’ ng LTFRB.

Sinabi ni Inton, napaka­ra­ming ex-OFW ang umuwi sa bansa at sa konting ipon nila ay bumili sila ng hatchback unit para ipanghanapbuhay bilang TNVS.

“Ayaw na nila mag-OFW at mahiwalay sa pamilya  kaya naman umasa sila sa mandato ng LTFRB – Memo circular 2018-005 – na may hanapbuhay sila kahit hanggang February 2021,” ani Inton.

“Ang iba naman ay OFW pa rin sa ibang bansa at nagpadala ng pera sa kanilang pamilya para makabili ng hatchback upang ipanghanapbuhay.

Pero nawala na parang bula ang pag-asang ito nang biglang maisip ng LTFRB na i-ban ang hatchback,” dagdag ni Inton.

Ani Inton, malabo ang paliwanag ng LTFRB sa ban sa hatchback kaya, aniya, kailangan ang Mandamus Case laban sa LTFRB para matauhan ang ahensiya at magising sila at kanilang ipatupad ang transition period na three years o, up to February 2021 ay puwede pa ang hatchback.

Hindi naniniwala si Inton na safety ang isyu laban sa pag­gamit ng hatchback sa TNVS.

“Safety daw ang isyu? Ha! Aba ay insulto sa mga engineers na nag-design ng hatchback ang katuwiran na ito. Kung masu­su­nod ang kapritso ng LTFRB dapat i-pullout na lahat ng hatchback sa kalsada. Wala silang datos na ipinakikita na nakaaaksidente ang hatchback TNVS,” giit ni Inton.

Aniya, may mas ipino-promote ang hatchback dahil mas bagay sa city driving at mas cost efficient at bumubuga ng lesser emission. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *