Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PHil pinas China

Ph-China joint investigation sa ‘hit-and-run’ sa Recto Bank welcome kay Pang. Duterte

WELCOME kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang joint investigation ng Filipinas at China sa ‘hit-and-run’ sa Recto Bank na naging sanhi ng paglubog ng Philippine fishing boat lulan ang 22 mangingisdang Filipino.

“The President welcomes a joint investigation and an early resolution of the case. We will await a formal communication from the Chinese Embassy,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ang pahayag ay bilang tugon sa panukala ng Chinese Embassy na magkaroon ng joint investigation sa lalong madaling panahon upang maayos na maresolba ang usapin base sa “mutually recognized inves­tigation results.”

Nauna rito, sinabi ni Panelo, maaaring sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property ang Chinese crew na bumangga sa bangka ng mga mangingisdang Filipino sa Recto Bank.

Ito aniya ay kung mapapa­tunayan na sinadya ng Chinese crew ang pagsalpok sa bangka ng mga Filipino.

Paliwanag ni Panelo, maaa­ring isampa ang kaso sa Mindoro dahil sa teritoryo ng Filipinas naganap ang insidente.

Gayonman, aminado si Panelo na baka hindi maaaring papuntahin sa bansa ang Chi­nese crew para sumailalim sa paglilitis.

Sa ilalim aniya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kinaka­ilangan sa China manggaling ang penalty at sila ang nararapat na magbigay ng parusa.

Bukod sa mga kasong ito, mayroon pa aniyang diplomatic protest na nakahain laban sa China dahil sa ginawang pag-abandona ng Chinese crew sa mga mangingisdang FIlipino na nanganib ang buhay sa gitna ng karagatan. (ROSE NOVENARIO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …