Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

356 lumabag sa ordinansa dinakip ng SPD

HULI ang nasa kabuuang 356 katao ng mga pulis dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa katimugang Metro Manila sa nakalipas na 24-oras.

Base sa ulat ni Southern Police District (SPD) Director, B/Gen. Eliseo Cruz, nagsagawa ng implementasyon ng mga ordinansa ang mga awtoridad sa mga lung­sod ng Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig  at munisipalidad ng Pate­ros, simula 5:00 am kamakalawa at nagtapos 5:00 am kahapon.

Sa nasabing bilang, 23 indibiduwal ang nahuling nag-iinuman sa pampublikong lugar, 51 ang naninigarilyo, 47 ang walang suot na damit pang-itaas, 228 menor de edad ang lumabag sa curfew at pito sa illegal vending.

Pinakamalaking bi­lang ng ordinance viola­tors ang naitala sa siyudad ng Muntinlupa na pumalo sa 121 at sinundan ito ng Taguig City na 115.

Siniguro ng opisyal na patuloy ang kanilang pagpapaigting sa anti-criminality operations at implementasyon ng mga ordinansa upang mapa­natili ang kaayusan at katahimikan sa kanyang mga nasasakupang lu­gar. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …