Sunday , November 17 2024

Kris, ‘di balansyado ang buhay

HINDI pa rin balansyado ang buhay at kamalayan ni Kris Aquino kaya dumaranas pa rin siya ng pisikal na pagka-out of balance.

Kamakailan ay naibalita n’ya sa kanyang Instagram na na-out-of-balance siya at nahulog sa mababa n’yang kama. Kinailangan n’yang tumuntong sa kama pagkalabas n’ya ng banyo. Tumuntong siya at na-out-of-balance.

Dahil nasa loob siya ng kuwarto, walang nakarinig sa household staff n’ya sa pagbagsak at paghingi niya ng saklolo. Mabuti na lang at naabot n’ya ang cellphone n’ya at nakatawag sa isa sa mga kasambahay.

Wala namang naging malaking pinsala kay Kris, bagama’t kinailangang lagyan ng sling pansamantala ang braso n’yang nadaganan sa pagbagsak n’ya.

Pero parang mas madalang na siyang ma-out-of-balance kaysa noong mga nakaraang buwan. Nai-Instagram n’ya noon na kinailangan siyang manatiling nakahiga sa kama (“bedridden” sa Ingles) dahil para siyang laging tutumba dahil apektado ng sakit n’ya ang kanyang sense of balance.

Pero noong panahong ‘yon, talaga namang wala sa balanse ang buhay n’ya. ‘Yun ang panahong marami siyang oras na inilaan para usigin si Nicko Falcis at ang kapatid nito kaugnay ng mga kasong isinampa n’ya rito.

Hindi binabanggit ni Kris noon na may iba pang mga tao na kinakastigo n’ya na may kaugnayan din sa mga akusasyon n’ya kay Nicko.

Pero pagkaraan ng halos isang buwan ng pagpo-post tungkol sa mga Falcis, bigla siyang tumigil at isang araw ay parang kalmado na siya tungkol sa demandahan nila. Bumabalanse na ang buhay ni Kris noong panahong ‘yon.

Mapupuna n’yong tuwing sinusumpong siyang mag-Instagram tungkol sa mga Falcis, at saka may nangyayari sa kanya na literal na pagkawala ng balance—gaya rin ng pagkawala ng balance sa pinag-uukulan n’ya ng panahon at atensiyon.

Maaaring may iba pang aspeto ng buhay ni Kris na ‘di n’ya ini-Instagram na sobrang atensiyon at oras ang ibinibigay n’ya. Baka marami siyang lihim na disgusto sa buhay. Lihim na ngitngit. Lihim na muhi at gigil. At ang lahat ng ‘yon ay nagdudulot ng “dis-ease” sa buhay n’ya. At sa katawan n’ya. Totoo na ang “diseases” na dinaranas ng tao ay dahil sa “dis-eases” n’ya, o mga bagay na sumisira ng peace of mind n’ya.

Lahat ng nangyayari sa katawan natin ay reflection ng kamalayan natin. Ripleksiyon ng mga pagkukulang natin at pagmamalabis.

At nangyayari rin ang lahat ng ito sa ating mga ordinaryong tao. Kung madalas kayong mahilo sa panahong ito at parang laging maa -out of balance, baka hindi lang ‘yon dahil sa init ng panahon. Malamang na out of balance ang buhay n’yo. Malamang na may aspeto ang buhay n’yo na di n’yo pinag-uukulan ng panahon.

Mabuting tao naman si Kris—at malamang na mabuting tao rin kayo na nagbabasa nito ngayon. Nababago ang kamalayan para umayos ang ating buhay.

Ang isang matalino, palaisip, mahilig magbasa at magpatayog ng kaalaman na gaya ni Kris at ‘di malulugmok sa kawalang pag-asa at walang saysay na buhay. Kahanga-hanga pa rin siya sa kanila ng mga napapasukan n’yang nauuwi sa gulo at sa hukuman. Mukhang hindi pagsasawaan ng madla ang pagsubaybay sa makulay at masalimuot n’yang buhay.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *