Sunday , December 22 2024

Federalismo at con-ass nararapat nang harangin

PINAALALAHANAN ni Albay Rep. Edcel Lag­man ang mga miyembro ng papasok na Kongre­so na harangin ang pagpasa ng federalismo at pagpapalit ng Kongreso sa Constituent Assembly.

Ani Lagman, ang pag-iisa ng Kamara at ng Senado bilang Constituent Assembly, na maraming alyado ng pangulo, ay magmimistulang ‘rubberstamp’ ng Malacañang.

“The subservience to the administration which is now happening in the House will certainly happen in the projected Constituent Assembly composed of the supermajority blindly allied with the President,” ani Lagman.

Aniya, dapat alalahanin na ang pagmadali sa pagpapalit sa federalismo ay lalong makakasama sa ekonomiya.

Nauna nang sinabi ni NEDA Director General Ernesto Pernia na ang pagpapalit ng uri ng gobyerno tungo sa federalismo ay masama sa ekonomiya lalo kung hindi ito pinaghandaan.

Ayon kay Lagman ang pinakabagong survey mula sa SWS at Pulse Asia ay nagpahayag na 25 porsiyento ang may nalalaman tungkol sa panukalang pagpapalit ng gobyerno sa federalismo. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *