Tuesday , May 6 2025

Isang kandidatong Speaker sa admin sapat na — Lagman

NAGBABALA si Albay Rep. Edcel Lagman sa mga papasok na mi­yem­bro ng 18th Congress na magkaroon ng isang kandidato ang administrayon para speaker para maiwasan ang pagkakaroon ng “minority leader” na mayorya kagaya ng sa kasalukuyang Kongreso.

Ani Lagman, ‘yung mga nagbabalak na tu­mak­bo bilang speaker, lahat ay kasapi sa super­majority ng adminis­trasyong Duterte.

Ang karamihan sa kanila ay gusto pang mag­pa­­basbas sa Pangu­lo.

Ayon kay Lagman, dapat magkasundo ang mga tatakbong speaker na magkaroon na lamang ng isang kandidato.

Kung magkakaroon ng isang kandidato ang administrasyon, maiiwa­sang magkaroon ng mino­rity leader na kasapi rin naman ng adminis­tra­syon.

Ani Lagman, ang Minority Leader ay da­pat kinatawan ng tunay na oposisyon; may ibang pananaw; at magiging bantay ng karapatan ng mama­mayan; at hindi tuta ng administrasyon.

“A genuine Minority leader can only be as­sured if he or she is neither a member or a partisan of the admi­nistration nor hand­picked by the ruling majority,” ani Lagman.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *