Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

NBI, PNP-CIDG bulag sa talamak na human trafficking sa Clark Airport?

PATULOY ang pamamayagpag ng human trafficking sa Clark International Airport (CIA).

Mukhang magaling daw mag-facilitate ang ‘sindikatong’ nagpapatakbo ng human trafficking sa nasabing paliparan dahil kahit ang National Bureau of Investigation (NBI) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay hindi sila natutunugan o kahit naaamoy man lang.

Usapa-usapan sa ‘grapevine’ na kung hindi man naaamoy ‘yan ng NBI at PNP-CIDG, kauna-unawa umano kasi hindi naman daw nila kapado ang operation sa Airport.

Pero ang tanong, bakit si Roni Santos, ang sinasabing hepe ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) diyan sa Clark e ‘mukhang’ bulag din sa pamama­yagpag ng pagpasok ng mga Bombay at Tsekwa na mukhang Central Luzon partikular ang lalawigan ng Pampanga ang kinikilalang ‘kapitolyo’ ng Filipinas?!

Sa totoo lang, akala nga raw ng mga puma­pasok na Bombay at Chinese nationals ay sinlaki lang ng Macau ang Filipinas kasi ang liit lang ng Airport.

Hak hak hak!

Mantakin n’yo ‘yun, pati geography ng mga foreigner ay distorted na dahil sa pagkontrol ng ‘human traffickers’ sa Clark Airport?

Tsk tsk tsk…

Ano ba talaga ang nagaganap diyan sa Clark, TCEU chief Roni Santos?!

Hindi mo ba alam Mr. Santos na putok na putok sa BI main office sa Intramuros na parang may fiesta na ng mga human traffickers diyan sa Clark?!

Mukhang Office of the Commissioner (OCom) na lang nga ang hindi nakaaalam.

Commissioner Jaime Morente Sir, baka naman may bumubulag sa iyo riyan kaya’t hindi nakararating sa iyo ang matinding isyu ng human trafficking sa Clark?!

Paalala lang po Commissioner, baka ma­unahan kayo ni Pangulong Rodrigo Duterte?!

 

REKLAMO
VS BI-BORACAY
FIELD OFFICE

MAY mga report tayong natanggap tungkol sa tuloy-tuloy na pagdating umano ng cruise ships sa isla ng Boracay.

Lulan daw ang mga turistang Tsekwa patungo sa isla kaya naman nahihirapan ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan para i-account ang bilang ng mga dumarayong turista sa lugar?!

Kamakailan lang ay nagpahayag ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magko-conduct sila ng inspection sa Boracay para malaman kung sino-sino ang mga nagta­trabaho roon nang ilegal partikular ang ilang dayuhan na madalas ay naghahanapbuhay bilang tour guides, dive instructors, cooks at photo­graphers.

Ang tanong, aware rin kaya ang BI-Boracay field office sa mga nangyayaring ito?

Pagdating naman sa cruise ships, inaasahan na hindi ito lalampas sa radar ng BI Seaport Operations Section na nangangasiwa sa clearances ng mga nasabing barko!

By the way, ano itong narinig natin na isang tauhan daw ng BI-Boracay ang pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa inipit na Special Woking Permit (SWP) ng isang Koreano?

Makailang ulit na raw na nagpapabalik-balik sa opisina ng BI doon ang Koreano kaya naman napilitan nang humingi ng tulong sa NBI??

Susmaryosep!

IRD Chief, Junjun Gevero bossing, baka type mong paimbestigahan ang naturang insidente??

Baka kayo mismo ay pinaiikot din ng tao ninyo doon!

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *