Wednesday , May 7 2025

Digong masayang makasama sa ‘hell’ si Joma Sison (Sa nabinbin na peace talks)

MALIIT na ang tsansa na umusad muli ang peace talks sa kilusang komunista, ayon sa Palasyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo  na kailangan magpakita ng sinseridad ang kilusang komunista na maisulong ang kapayapaan bago magbalik sa hapag ng negosasyon ang gobyernong Duterte.

“Sinasabi niya (Duterte) laging mayroon siyang small window for peace talks provided na ‘yung nasa kabilang mesa ay tapat sa kanilang layunin,” aniya.

“Hindi ‘yung nagne-negotiate tapos ang dami nilang ina-assault, ina-ambush, sinusunog, pinapatay. Hindi naman po puwede ‘yun,” dagdag niya.

Kuwestiyonable na rin aniya ang kredibilidad ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison sa kilusan.

“Ang problema, matapat ba siya at pinapakinggan ba siya ng mga tao niya? Ang problema baka hindi na siya pinapakinggan,” sabi ni Panelo.

Kamakalawa ng gabi ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na matutuwa siyang makasama sa impiyerno si Sison.

Tugon ni Sison, dapat ituloy ni Duterte ang peace talks kung nais na makaligtas sa impiyerno.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist

Comelec reso ipasa pabor sa lehitimong ABP officials, katarungan sa pagpaslang kay Leninsky Bacud hiniling

SA PAGDIRIWANG ng International Firefighters Day, muling iginiit ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *