Monday , December 23 2024

“Kay Lim tayo!”—Duterte; Calixto sure win sa Pasay

PORMAL na inendoso ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte si dating Mayor Alfredo Lim bilang pambatong kan­didato ng adminis­tra­syon sa Maynila.

Umugong ang uma­tikabong palakpakan nang opisyal na itaas ni Pres. Duterte ang kamay ni Lim sa idinaos na Miting de Avance ng Partido Demokratiko ng Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) sa Ultra, Pasig City, kahapon (11 Mayo 2019).

Sa kanyang talumpati, partikular na binanggit ni  Presidente Digong si Lim para maging katuwang ng kanyang administrasyon sa mahigpit na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Matatandaan, sa kanyang unang termino bilang alkalde unang naging epektibo at mata­gumpay ang mabagsik na kampanyang inilunsad ni Lim sa Maynila kontra droga.

Si Lim ay nakilala sa tawag na “Dirty Harry” ng Maynila dahil sa kanyang no non-sense na pagpapatupad ng batas bilang noo’y hepe ng Manila Police District (MPD), director ng National Bureau of Investigation (NBI) at kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Si Lim ay nahalal din na senador noong 2004 ngunit hindi tinapos ang anim na taong termino sa Senado matapos magpasiya na muling tumakbo at manalong alkalde ng Maynila noong 2007.

Taglay ni Lim ang matinong pagkatao na kailangan sa pamahalaan dahil kailanman ay hindi nasangkot ang kanyang pangalan sa anomang uri ng katiwalian, isang mabuting katangian na wala ang kanyang mga kalaban.

Sa panahon ni Lim bilang alkalde, apat na beses hinahakot ang basura kada araw at walang mga gabundok na basura kaya’t hindi naranasang bumaho ang Maynila.

Alam ni Pres. Digong na mas lalong magiging matagumpay ang pangunahing kampanya ng pamahalaan kontra droga kung makatutuwang ng administrasyon ang isang gaya ni Lim na ang kakayahan ay subok na pagdating sa pagsugpo ng kriminalidad sa lungsod.

Ang opisyal na pag-endoso mismo ni Pres. Digong ang patunay na isang malaking fake news lang ang ipinakakalat ng kanyang mga kalaban na si Lim ay umatras daw sa pagtakbong alkalde.

Madali lang mahalata ang fake news, lalo’t kapag ang nagkakalat ng paninira sa pag-atras ng kandidato ay galing sa kampo ng kanyang mga kalaban.

Wala pang tayong alam na inurungang laban si Lim, lalo’t siya ang kandidato ni Pres. Digong at ng administrasyon sa Maynila.

Sa Miting de Avance, sabi ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III:

“Tuloy hanggang sa dulo ang laban ni Mayor Lim, ang haligi ng PDP Laban sa Maynila!”

Dapat sa mismong kandidato na sinasabing umatras dapat manggaling ang pahayag, hindi sa kampo ng kanyang mga kalaban.

‘Di ba maliwanag na baligtad kung ang pahayag sa pag-atras ng isang kandidato ay sa kampo ng kanyang kalaban manggagaling?

Sa madaling sabi, si Lim ang talagang llamado sa mga kandidatong alkalde sa Maynila kaya’t sobrang desperado ang kanyang mga kalaban at pati mababang uri ng paninira ay pinapatulan.

Hangad ni Pres. Digong na manumbalik ang katahimikan, kaayusan at kalinisan sa Maynila kaya naman si Lim ang kursunada niya na muling maging alkalde ng Maynila.

Siyanga pala, sa pagkakaalam natin, galit din si Pres. Digong sa mga corrupt kaya pinili niya si Lim at hindi ang kanyang mga kalaban.

Paalala nga pala sa mga mandurugas, may mga inutusan si Pres. Digong na siguruhing hindi madadaya ang boto ni Lim sa Maynila.

 

MGA CALIXTO WALANG

KASO, TULOY ANG LABAN

TULAD ni Lim, kapwa biktima rin si Mayor Antonino “Tony” Calixto at kapatid na si Rep. Emi Calixto-Rubiano ng desperadong last ditch effort na paninira ng mga talunang kalaban nila sa lungsod Pasay.

Si Mayor Calixto ay kasalukuyang kandidato bilang congressman at ang kapatid na si Rep. Calixto-Rubiano ang  tumatakbong mayor.

Walang katotohanan, fake news din ang ikinakalat na idiniskalipika umano ng Commission on Elections (Comelec) ang magkapatid na Calixto.

Maliwanag na tsismis din ang inilalako ng kanilang mga kalaban, palibhasa’y mga talunan at nais linlangin ang mga botante ng Pasay na mapapaniwala ng kanilang panloloko.

Sa Comelec at hindi sa kampo ng mga kalaban ng mga Calixto dapat manggaling ang pahayag kung totoo, kaya’t halata agad na fake news talaga.

Una vez, paano sila madidiskalipika kung wala naman silang kaso, aber?

Ganyan talaga, malakas lang ang sinisiraan, lalo’t sure win naman talaga ang Team Calixto sa Pasay.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *