KAHIT na ano pa ang sabihin. Kahit na ano pa ang gawing katuwiran later on, palpak ang pagsasabi ni Tony Labrusca na minsan ay nagnakaw siya ng pagkain at mga damit noong siya ay nasa US pa.
Ang katuwiran niya nang malaunan, hindi naman niya sinasabing tama ang magnakaw. Naikuwento lamang naman niya na nangyari iyon minsan sa kanyang buhay.
Sa kuwento niya, inamin niya na gusto niya ang mga damit na ninakaw niya. Gusto rin niya ang mga pagkain, pero sa palagay niya ay hindi iyon maibibigay sa kanya ng kanyang mga magulang kaya ninakaw niya. Hindi katuwiran ang kahirapan para magnakaw. Hindi nga naman niya sinabing tama, pero sinabi niyang ginawa niya.
Ano mang tingin ang gawin namin, ano mang katuwiran ang sabihin, mali. Misguided talaga iyang batang iyan kaya ganyan.
HATAWAN!
ni Ed de Leon