Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alejano ‘duda’ sa nadampot na video uploader

NAGPAHAYAG ng pag­dududa si Magdalo Party-list Rep. Gary Ale­jano sa dinakip na uploader umano ng video ni ‘Bikoy.’

Aniya, dapat masi­guro na tama ‘yung taong dinampot’ at baka gaga­mitin lamang sa pro­paganda ng gobyerno.

“Dapat masigurong tamang tao ang naaresto at hindi peke na maaaring gagamitin sa propaganda ng gobyerno,” ani Alejano.

Aniya, hindi nata­tapos ang isyung inilahad ni “Bikoy” laban sa pa­mil­ya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag­ka­­aresto sa suspek.

Aniya, dapat magka­roon ng imbestigasyon tungkol sa mga seryosong alegasyon ni ‘Bikoy.’

“The Bikoy exposé should not end with just the arrest of the alleged uploader of the videos. If indeed there is truth on the exposé, there must be a complete and thorough investigation,” aniya.

“Napakabigat ng mga alegasyon ni Bikoy na  idinadawit ang pamil­ya ng Pangulo. Kung ito ay totoo, nakababahala dahil kung sino pa ang nasa administrasyon, sila pa ang maaaring nagpa­papasok ng droga sa bansa,” paliwanag niya.

Aniya, ang aksiyon ng mga awtoridad sa isyung ito ay isang pagsubok sa sinseridad ng gobyernong Duterte na wakasan ang problema sa droga sa bansa.

“The authorities’ actions on this matter is a test of sincerity of the government to eradicate illegal drugs. Hindi la­mang sa maliliit na user at pushers ang pinatu­tungkulan dito kundi mga puno’t dulo ng illegal drug trade sa loob ng bansa,” ayon kay Alejano.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …