Thursday , May 8 2025

Sa Araw ng Paggawa… Obrero tablado sa pangulo

WALANG maasahang Labor Day package ang mga obrero mula sa administrasyong Duter­te sa pagdiriwang nga­yon ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Salvador Panelo na nasa kamay ng regional wage boards ang usapin ng umento sa suweldo.

Ayon kay Panelo, batid ng regional wage boards kung ano ang makabubuti sa panig ng mga manggagawa at employer.

May nauna nang pahayag si Labor Secre­tary Silvestre Bello III na ‘wag asahan ng mga manggagawa ang anun­siyo ng dagdag suweldo dahil hindi ito natalakay sa mga pagpupulong ng gabinete kasama si Pa­ngu­long Rodrigo Duter­te.

Sa mga nakalipas na panahon, may ipinagka­kaloob na regalo ang pamahalaan sa mga manggagawa, hindi man dagdag-suweldo ay non-wage benefits.

Samantala, sinabi ni Panelo, hindi hahad­langan ng Palasyo ang mga ikinakasang kilos protesta bukas ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa.

Ayon kay Panelo, karapatan ito ng kahit na sino, sa isang demo­kratikong bansa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *