Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoys sa Libya hinikayat ng DFA umuwi sa bansa

NASUGATAN sa ka­nang paa ang isang Pinoy worker na nagtatrabaho sa isang oil at gas com­pany nang sumabog ang isang mortar sa paligid ng kanilang compound ma­la­pit sa Tripoli Inter­national Airport kaha­pon.

“Our kababayan is lucky he only sustained a shrapnel wound in his right foot. His Sudanese coworker was not — he was killed in the explosion,” pahayag  ni Charge d’Affaires Elmer Cato sa kanyang opisyal na Facebook account.

Nitong nakaraang ilang linggo, isang Pinoy ang nasugatan dahil sa rocket attack na mahigit 200 Filipino ang nagta­trabaho sa naturang lugar.

“What happened to our kababayan in Qasr bin Ghashir earlier in the morning underscores the danger that all of us face here in Tripoli as a result of the ongoing fighting just outside its gates,” ayon kay Cato.

Hindi rin ligtas ang isang ospital sa Qasr bin Ghashir na 18 Pinoy nurses ang nagtatra­baho.

Ayon kay Cato, naka­tanggap ng report ang Embahada na anim na Pinoy ang nasa Ain Zara, na ang ibang compound ay kinubkob ng armadong kalalakihan.

Pinakiusapan ng gobyerno ng Filipinas na tulungan silang hikayatin ang kanilang mga kawani na umalis at magtungo sa ligtas na lugar.

Sa kabila nang paulit-ulit na apela ng gobyerno ng Filipinas sa mga Pinoy sa Libya na lisanin na ang naturang bansa para sa kanilang kaligtasan bunsod nang nangya­yaring kaguluhan, ayaw pa rin nilang umuwi dahil pagbalik umano nila sa bansa ay wala silang trabaho.

Patuloy  na hinihika­yat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Libya para sa  boluntaryong evacua­tion at nanawagan sa mga kaanak na hikayating umuwi sa Filipinas.

“Some of us may not be lucky the next time rockets or mortars rain in on Tripoli. Before the fighting intensifies further and before it gets closer to where many of our kababayan are in Tripoli, we plead to them and to their families in the Philippines to please seriously consider our offer to bring them home while we still can,”  dagdag ni Cato.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …