Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

16 death toll sa lindol sa Luzon

UMAKYAT na sa 16 ang bilang ng mga kompirmadong binawian ng buhay matapos ang magnitude 6.1 lindol na yumanig sa iba’t ibang bahagi ng Luzon kamaka­lawa nang hapon.

Pinakamalaking pinsala ang dinanas ng lalawigan ng Pampanga na naitala ang karamihan ng nasawi.

Lima sa 16 namatay ay mula sa gumuhong Chuzon Supermarket sa bayan ng Porac; pito mula sa iba pang lugar ng Porac; dalawa mula sa Lubao; isa sa Angeles; at isa mula sa San Marcelino, Zambales.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), tinatayang 81 ang sugatan at 14 ang nananatiling nawawala sa Central Luzon sanhi ng lindol.

Agad naglaan ang Depart­ment of Social Welfare and Development (DSWD) ng P1.3 bilyon bilang standby fund.

Nagpaalala ang NDRRMC sa publiko na laging maging alerto para sa mga aftershock at manatiling kalmado.

Aktibo ang mga fault line sa bansa bilang bahagi ng Pacific Ring of Fire na mada­las nagaganap ang mga lindol at mga pagputok ng bulkan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …