Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Sixto, sagot sa dasal nina Marian at Dong

MARAMI ang natuwa nang ibahagi ni Marian Rivera ang clear photo ng kanyang anak na si Baby Sixto pero naging sanhi naman iyon ng pagtatalo kung sino ang kamukha. Siya ba o si Dingdong Dantes? Ang ending, mas hawig ito ng kanyang ate Zia pero wala namang problema dahil lahat sila’y may magagandang mukha.

Hanggang ngayon ay overwhelm pa rin ang mag-asawa dahil answered prayers ito para sa kanila. Matatandaang nang ipanganak si Zia, tatlong taon na ang nakararaan ay ipinagdasal nila na magkaroon ng baby boy.

Sa isang interbyu, inamin ni Marian na hindi nito kakayanin ang manganak muli pero sa suporta at dasal ng mga nagmamahal sa kanyang pamilya, nairaos ang kanyang ikalawang panganganak ng maayos.  “Ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinapaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t isa,” sambit nito.

Sa kabilang banda, inamin ng mother actress na ito ang kanyang happiest Easter Sunday dahil nakapalibot sa kanya ang tatlong mga mahal niya sa buhay

Si Dong, si Letizia, at si Sixto, sila ang aking buhay,” masayang sambit ni Marian.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …