Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, sumabog sa galit — ‘di kabaklaan at karuwagan ang pagtahimik

IGINIIT ni Coco Martin na ang pagtahimik niya ukol sa mga ibinabatong isyu ay hindi nangangahulugang wala siyang bayag o siya ay duwag.

Aniya, “Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi ikauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan at kaduwagan. May kanya-kanya tayong buhay at tayo ang may desisyon kung pano natin patatakbuhin ito. At sa aking palagay, wala akong nagawang masama sa. ‘yo kung sino ka man, hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!

“Nagtatrabaho lang ako at mayroon din akong pribadong buhay, ‘wag naman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan n’yo dahil hindi interesado ang buhay ko. Mas maganda siguro, humanap tayo ng ibang kapaki-pakinabang na pag-uusapan para sa ating lipunan para may maiambag naman tayo sa ating bayan.”

Pinagsabihan din ni Coco ang kanyang detractors na pakialaman na lang ang kanilang sariling buhay kaysa siraan siya.

Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko. Tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makabubuti siguro ang buhay mo na lang ang ikuwento mo sigurado ako mas interesante ang buhay mo.

“Sana lang bago ka mawala sa mundo alam mo sa sarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi puro paninira! Pasensiya ka na ang desisyon ko ay panatilihing tahimik ang buhay ko at sana naiintindihan mo!!! God bless.” 

Bilang pangwakas, nasabi ng aktor na responsable siya sa kanyang mga nasabi at hindi kung pagkaintindi ng mga ito sa kanyang pinaggagagawa.

Dagdag pa nito, mas mabuting itikom na lang nila ang kanilang mga bibig lalo kung wala silang alam sa buong istorya.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …