Friday , April 18 2025

Veto ng Pangulo sa ilang probisyon ng budget hindi nangangahulugang ilegal

HINDI nanga­ngahulu­gang taliwas sa Saligang Batas ang ilang panuka­lang alokasyon sa budget na ini-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Anda­ya ang ipinaglaban ng Kamara na panukalang budget ay lulusot sa masugid na pagsusulit sa pagiging “constitutional” nito.

“The President knows what is best for the country and our people,” ani Andaya.

Ani Andaya, naipasa ng Kamara sa  pamumu­no ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga priority mea­sures ng presidente kasama ang panukalang pambansang budget.

Ang ini-veto ng pa­ngulo, na may kabuuang halagang P95.3 bilyon, ay galing sa mga budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Labor and Employment – National Labor Relations Commission (DOLE-NLRC), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DoH) at Department of Trade and Industry (DTI).

“It’s done and we trust the President’s judgment,” ani Arroyo.

Sinabi ni Arroyo, ginagawa niya rin ang veto sa ilang mga budget noong siya ay presidente.

“Even me, I used to line veto. Every year I partially vetoed the budget,” dagdag ni Arro­yo. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *