DAPAT kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na House Speaker ng Kamara para masiguro na ang agenda sa lehislatura ay maipasa.
Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco importante ang pamumuno pero dapat naman, aniyang, walang ambisyong pampolitika ang susunod na speaker.
“Leadership is important, but it’s equally important that the next speaker is free from political ambition to ensure that all the priority legislation of the President is successful,” ani Velasco.
Nagpahayag ng pagkalungkot si Velasco, dahil may mga panukalang kailangan ng ehekutibo na nakabinbin dahil sa bangayan ng mga miyembro ng Kamara at mga kasamahan nito sa Senado.
“We’ve had enough bickering in Congress,” ani Velasco. “What Malacañang needs is a true ally in the House of Representatives that will help carry its agenda until the end.”
Sa paglakataong ito, aniya, tungkulin ng bawat kaalyado ng pangulo na tiyaking manalo ang mga kandidato sa halalan sa Mayo. “Any discussion on the speakership is premature,” ayon kay Velasco. “Dapat manalo muna ang lahat o karamihan ng alyado ng Pangulo para masiguro na solid ang suporta sa mga programa ng gobyerno,” dagdag niya.
(ROSE NOVENARIO)