Friday , May 2 2025

Murder vs pulis-Maynila aprub sa Palasyo

WELCOME sa Palasyo ang desisyon ng Ombudsman na sibakin at sampahan ng kasong murder ang pulis-Maynila na pumatay sa isang 23-anyos epileptic sa anti-illegal drugs operation sa Tondo, Maynila noong 2017.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailanma’y hindi kinokonsinti ni Pangulong Rodrigo Duter­te ang pang-aabuso ng mga awtoridad.

“We welcome it as PRRD says his admi­nistration will not tolerate abuse on the part of police officers as there will be hell to pay,” ani Panelo.

Iniutos ng Ombuds­man ang pagtatanggal sa serbisyo at pagsasampa ng kasong murder laban kay PO3 Gerry Geñalope matapos mapatunayang guilty sa pagpatay sa biktimang si Djastin Lopez, 23, isang epileptic, sa anti-illegal drugs operation sa Tondo noong 2017.

Ibinasura ng Om­buds­man ang alibi ni Geñalope na nanlaban si Lopez kaya napilitan siyang barilin dahil batay sa mga testimonya ng mga saksi ay nagma­maka­awa ang biktima sa pulis at inaatake ng epilep­­sy nang pagba­barilin.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

050125 Hataw Frontpage

Cagayan De Oro Mayor Klarex Uy kinuwestiyon sa P330-M cash advances

HATAW News Team ‘UNDER HOT WATER’ si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo …

Bong Revilla

Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte

SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong muling sinusuportahan si Bam Aquino, pinuri integridad at track record

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAHAYAG ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang suporta sa …

Senate Senado

“Labor Commission” isinusulong sa senado

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang pagbuo ng isang national labor commission …

Leninsky Bacud ABP Partylist

P1-M pabuya alok ng ABP Partylist laban sa gunman, utak sa pagpaslang kay Bacud

NAG-ALOK ng halagang P1 milyon ang Ang Bumbero ng PIlipinas (ABP) Partylist sa makapagbibigay ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *