Monday , December 23 2024

Acierto ginagamit ng dilawan vs Duterte

GINAGAMIT ng dila­wan si dating police colonel Eduardo Acierto para batikusin ang admi­nistrasyon, ayon kay Pangulong Rodrigo Du­ter­te.

“Ito ‘yung involve­ment ng ibigay ko sa’yo — ng pulis kasi ginagamit sa mga yellow ngayon. Pero nandiyan lahat,” ayon sa Pangulo sa kan­yang talumpati sa Koro­nadal, South Cotabato.

Anang Pangulo, kabi­lang si Acierto sa mga ninja cop o mga pulis na sangkot sa pag-recycle ng mga nakokompiskang ilegal na droga.

Kasabwat aniya ni Acierto sa ganitong ilegal na gawain ang isa pang kasamahan na dating police official at PDEA deputy director Ismael Fajardo.

Ayon sa Pangulo, kilala si Fajardo sa pagre-recycle ng ilegal na droga at mapaggawa ng mga istorya.

Tinukoy ng Pangulo ang frame up ni Acierto at kaniyang mga kasama­han kay Marine Col. Ferdinand Marcelino.

Matatandaan na si Marcelino ay nagserbisyo rin sa PDEA bilang agent, ngunit nasangkot sa operasyon ng isang uma­no’y shabu lab sa lungsod ng Maynila, pero inab­suwelto ng korte.

Una nang sinabi ng Pangulo na si Acierto ay sangkot din sa pagdukot at pagpatay sa Korea­nong si Jee Ick Joo sa Camp Crame, ilang taon na ang nakalilipas.

Modus aniya ng grupo ni Acierto ang pag­kidnap sa mga dayuhang negosyante para kumita ng pera.

“And I — ito ‘yung si Eduardo Acierto, na-dismiss sa pulis effective August 14, 2018 due to procurement of AK-47 rifles, which eventually landed in the possession of the New People’s Army. Ana kagago sang police naton,” dagdag niya.

Idinepensa muli ng Pangulo ang kaibigan na si Michael Yang laban sa akusasyon ni Acierto na sangkot sa illegal drugs.

Lehitimo aniyang negosyante mula sa Da­vao City at malapit rin sa matataas na opisyal ng China. (R. NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *