Friday , January 3 2025

Lugi ng PCSO sa STL kanino napunta?

ISANG nagngangalang Lino Espinosa Lim Jr., ang lumiham sa Om­budsman at humihiling na imbestigahan ang mga ari-arian na pinanini­walaang nakamal ni ‘jueteng whistleblower’ Sandra Cam habang nakaupong board director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

May mga ari-arian daw na itinatago si Madam S. Cam na nasa pangalan ng kanyang mga kapatid na sina Purisima Martinez at Martin Cam, at anak na si Marco Martinez Cam, ayon kay Lim.

Sabi ni Lim, si Cam ay nagmamay-ari ng magka­hiwalay na .8763 at 5.7203 ektarya ng cocoland sa Brgy. Pinamoghaan, San Fernando, Masbate.

Sa nabanggit na barangay din matatagpuan ang Zandra’s Beach Resort and Convention Center na binuksan noong Mayo 2018 na ang itinatayang halaga ng construction ay aabot sa P100 milyones at naipatayo sa loob lang nang maikling panahon ni Cam sa PCSO.

Si Cam ay nagmamay-ari rin ng dalawang malalawak na lupain sa Brgy. Matabao, Butuan, Masbate — isang 4.0454 ektarya at ang isa ay 3.3370 ektarya — na tinatantiyang aabot sa P300 milyones ang halaga.

Ginamit pa raw ni Cam ang kanyang puwesto at impluwensiyahan ang mga opisyal at kagawad ng Philippine National Police (PNP) sa Region V upang kagyat na mapalayas ang mga pobreng naninirahan sa nabiling lupain.

Pawang hindi raw deklarado ang mga kuwestiyonableng ari-arian sa magkasunod na taong Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) na isinumite noong 2017 at 2018.

Hindi proportionate o tugma sa suweldo ni Cam sa PCSO ang nakalululang halaga ng mga ibinulgar na ari-arian, ani Lim sa kanyang liham sa Ombudsman:

“After the conduct of an investigation on the matter, if it would be found out that the properties were ill-gotten, then the necessary proceedings should be initiated in order to seize and sequester the properties.”

Ayon mismo sa Palasyo, malaki ang lugi ng PCSO dahil sa hindi nakokolektang kuwarta na dapat ibayad ng Small Town Lottery (STL) operators.

Ibig sabihin, ang daan-daang milyones na koleksiyon — kung ‘di man bilyones — na lugi ng PCSO ang ipinambili sa mga properties na iniuugnay kay Madam S. Cam?

Sabi nga “Your guess is as good as mine.”

Puwede namang sumagot, ‘di po ba Madam S. Cam?

 

HIGANTENG BILLBOARD NI DONNA YATCO SA SLEX

TANAW na tanaw ng mga motoristang dumaraan sa magkabilang direksiyon ng South Luzon Expressway (SLEX) ang napakalaking karatula ni DONNA YATCO na kandidatong mayor sa Biñan, Laguna.

Bukod sa higante niyang larawan, ang napakataas na billboard ni Yatco ay parang poon na naiilawan sa gabi at posibleng makadisgrasya ng mga dumaraang motorista sa SLEX.

Tiyak na laban sa incumbent o kasalukuyang alkalde dedicated ang karataula cum black propaganda ni Yatco na nakasulat ang: “Ibagsak ang katiwalian! Biñan, gising na!”

Walang duda na magigising ang mga taga-Biñan, bukod-tangi yata na ang Commission on Elections (Comelec) lang ang mistulang bulag na hindi nakapupuna sa billboard ni Yatco na nakaduduling sa laki.

Ang problema ni Yatco, baka imbes ang kalaban ay siya ang ibagsak ng mga botante sa darating na halalan dahil sa tahasang pag­balewala sa ipinatutupad na batas ng Comelec.

Kumakakandidato pa nga lang ay kinakikitaan na ng pagbalewala si Yatco sa batas, gaano pa kaya kung siya ang manalong alkalde ng Biñan?

Payo natin kay Yatco, kusa nang ipatanggal ang nakaiirita niyang billboard cum black propaganda sa kalaban at huwag nang antayin pang masampolan ng Comelec.

Pumarehas na lang ng kampanya si Yatco imbes gumamit ng paninira kung may maipag­mamalaki naman siyang nagawa at magagawa.

Naturingan pa naman na isang babae si Yatco na dapat sana ay magsilbing halimbawa ng mabuting pagkatao, tulad sa isang naghahangad na maging mabuting ina ng Biñan.

Paano magiging makatotohanan sa kanyang mga sinasabi si Yatco kung wala rin pala siyang ipinagkaiba sa gawain ng mga walanghiyang politiko?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *